Chapter Sixty-Two

2 1 0
                                    

MAX'S POV

Kanina pa ako hindi mapakali sa kaiisip kung bakit walang naghahanap sa akin kung isang buwan na pala ako dito. Bahala na nga. Sumasakit lang tuloy ang ulo ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Ngayon ko lang nakita ang buong loob ng mansyon. Grabe nakakamangha ang laki. Sa sobrang engrande, aakalain mong palasyo ang loob ng mansyon na ito.

"Looks like unti-unti ka nang lumalakas," Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko. Ano ba naman 'tong si Denver basta basta lang sumusulpot.

"Lalo lang akong manghihina kung lagi lang akong nakahiga," Sabi ko at humarap sa kanya.

"Well, let me tour you around," Nakangiting wika niya at naunang maglakad. Sinundan ko naman siya.

Dumaan kami sa mahabang hallway at lumabas sa isang garden na sobrang lawak. Grabe totoo ba 'to? It's almost like a paradise.

"You look amazed huh. Garden palang 'to. Save your reaction for later," Nakangising sabi ni Denver at naglakad ulit.

Pumasok kami sa isang pinto na nasa dulo ng garden. Woah! Those majestic chandeliers. Grabe sobrang yaman naman nitong si Denver.

"Uhm Denver. Is this where you really live?" Namamanghang tanong ko sa kanya.

"Well not always. This is just my vacation place. Nasa Pilipinas ang residential mansion ko," Seryosong sagot niya.

Napatango naman ako. Ang laki naman nitong vacation place niya kumpara sa rest house namin sa Tagaytay.

"This is the living room and that door is the main entrance," Wika niya at itinuro ang isang malaking pintuan.

Wala talaga akong masabi. Nakakamangha ang laki at lawak eh. Ang dami ding maids. Umupo muna kami sa isang sofa.

"Ikaw lang ba mag-isa dito aside from the maids? Like yung family mo," Nagtatakang tanong ko.

"Oh. My family and relatives are in the Philippines. Hindi nila alam ang lugar na 'to," Sagot naman niya.

"Why? Ang laki naman nito kung mag-isa ka lang dito at walang family or relatives na kasama," Sabi ko at inilibot ang tingin sa buong loob ng mansyon.

"Well, hindi naman sa ayaw ko sila dito but this is the place where I can have my self time and privacy," Pagpapaliwanag niya. "Sa Pinas kasi madami akong ginagawa kasi I have my business there tapos sa bahay naman nandoon halos lahat ng pamilya ng mga nakatatandang kapatid ko kasi ayaw ng mommy ko na malayo sa kanila. Kaya pag gusto kong mapag-isa, pumupunta ako dito."

Napatango naman ako. Maya maya lumapit ang isang maid na may dalang tray at inilapag ito sa mesang nasa tapat namin. May dalawang hamburger at dalawang iced tea.

"Meryenda ka muna," Alok ni Denver.

"How about girlfriend?" Tanong ko sabay subo ng burger.

"I'm still single. Actually ikaw ang pinakaunang outsider na nakapasok dito. I kept this place private," Pagpapaliwanag niya.

"Paano kung may emergency? Paano kayo natutunton dito?" Tanong ko ulit. Sorry curious lang talaga.

"I have a chopper sa rooftop ng mansion na ito. I hire private and personal doctors if ever may sakit ako o ang mga staffs ko dito. Actually wala na akong problema dito since nandito na lahat ng kailangan ko," Sagot naman niya at inubos na ang burger niya.

Ang yaman naman nitong lalakeng 'to. Ano kaya ang business niya sa Pinas? Saka ko nalang siguro tatanungin baka ano pa isipin niya.

"Ubusin mo na yan. Marami pa akong ipapakita sa'yo," Sabi ni Denver at tumayo na.

Inubos ko na yung burger at iced tea. Umakyat kami sa isang spiral staircase. Binuksan niya ang isang pinto sa dulo ng staircase at bumungad sa amin ang sinasabi niyang chopper. Grabe ang sarap ng simoy ng hangin. So fresh. Malayo sa city life. Parang gusto ko din ng ganitong getaway hideout. Malayo sa gulo at ingay ng syudad.

"Ano ang business mo?" Out of curiosity na tanong ko. Wala eh hindi ko na napigilang magtanong.

"Well, I own 5-star hotels sa Pinas. I have branches sa Manila, Baguio, and Tagaytay. I also have a beach resort in Laguna," Seryosong sagot niya. "Ikaw? What do you do?" May business ka din ba?"

"My grandparents have two companies na ipinamamana sa aming descendants nila. Yung lolo ko owns the Silverio Music Industry, and yung lola naman is the Silverio Clothing Line. My dad owns a dance studio, si mommy naman siya ang namamahala sa clothing line ng lola. As for me, wala pa akong nahahawakang posisyon sa kampanya. I was supposed to take over the clothing line kaso nga nangyari 'to," Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"How about your lolo's company? Sino ang namamahala dun?" Naguguluhang tanong niya.

"Yung pinsan kong si Lyndon ang namamahala sa SMI," Diretsong sagot ko.

Napatango naman siya sa sinabi ko. Nilibot namin ang buong rooftop. Grabe this is a 360-degree view ng buong isla. Pagkatapos naming maglibot, bumaba na kami at inihatid niya ako sa kwarto na tinutuluyan ko.

"Just call the maids kung may kailangan ka. I already instructed them," Wika niya at ngumiti.

"Oh sige. Salamat," Nahihiyang tugon ko.

"Alis na muna ako. Kailangan kong mag-grocery. Paubos na ang stocks sa ref eh," Paalam niya.

Tumango naman ako bilang tugon. Umalis na siya at ako naman pumasok na sa kwarto. Paubos na ang stocks? Mukhang imposibleng maubusan ng stocks ang ref niya. Nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Dali-dali akong tumakbo papuntang bintana at nakita ko ang chopper na papaalis na. Seryoso nga siya. Susmiyo.


VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: tuazon_mm99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[ON-GOING] LOVE WINS Book 3: Perfect IllusionWhere stories live. Discover now