Chapter Sixty-Three

1 0 0
                                    

MAX'S POV

Nabobored na ako dito sa kwarto. Wala pa din si Denver. Malay ko ba kung saan yun nag-grocery. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit hanggang ngayon wala pa din naghahanap sa akin.

"Sir," Nagulat ako sa nagsalita mula sa pintuan. Dahan-dahan akong lumapit dito.

"Ano po yun?" Sabi ko at maingat na pinihit ang doorknob. Bumungad ang isang maid.

"Ako po si Manang Lucie, ang mayordoma ng mansyon na ito at ipinagbilin ka po sa akin ni sir Denver. Tawagin niyo lang daw po ako pag may kailangan kayo," Magalang na wika nito.

"Ahh. Oh sige. Maraming salamat, manang Lucie," Nahihiyang tugon ko at isinara na ang pinto.  

Maya maya ay narinig ko na naman ang helicopter. Sa wakas at dumating na sila. Lumabas na ako ng kwarto at umakyat papuntang helipad para salubungin si Denver.

"Bakit ang tagal niyo?" Hinihingal na tanong ko. Kapagod kaya umakyat.

"Marami kasi akong pinamili. Ganun ako mag grocery para isang bagsakan lang. Ayoko yung ilang araw lang, mamimili ulit. This supply good for one month," Sagot naman niya at inilalayan akong lumakad pababa.

Pumunta kami sa kusina at nakita kong nilalagay na ng maids ang mga pinamiling grocery sa malaking ref.

"Hindi ba matakaw sa kuryente itong bahay mo? Laki ng ref niyo eh tapos bawat kwarto may aircon," Nagtatatakang tanong ko kay Denver.

"Well, we make electricity from the sea plus solar ang ibang appliances dito so kahit matakaw sa kuryente, hindi na ako nagbabayad ng electricity bill," Cool na sagot ni Denver.

Aba eh sobrang yaman naman pala ng lalakeng 'to. Parang character lang sa mga novels na nababasa ko.

"Sir, handa na po ang meryenda," Magalang na wika nung isang katulong.

Pumunta kami ni Denver sa dining area. Nagulat naman ako sa sinasabing "meryenda" nung katulong. Steak? Meryenda? Nakakaloka ah.

"Please, come and take a sit," Sabi ni Denver at pinaghila ako ng upuan.

Kahit na nawewerduhan ako, umupo ako.

"Sure kang meryenda 'to?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes," Diretsong sagot niya at nagsimulang kumain.

Napakunot naman ako ng noo. Normal pa ba ang lalakeng 'to? Oo nga mayaman siya pero parang over naman ang steak para lang sa meryenda.

Hiniwa ko ang steak at ang nakakaloka. Cake pala 'to. Isang realistic cake. Myghad!

Nagulat ako sa biglang pagtawa ni Denver.

"Got you!" Natatawang sabi ni Denver.

Siraulo na talaga 'tong lalakeng 'to. Lord, bigyan niyo po ako ng mahaba haba pang pasensya. Nagsimula na akong kumain. In fairness, masarap naman siya. Ang weird lang talaga ng itsura.

"Can we go for a swim after this?" Tanong niya nang matapos siyang kumain.

"Wala akong damit," Diretsang sagot ko.

"I actually bought you clothes. Kaya ang tagal ko bago makabalik," Sabi naman niya at ngumiti.

Binigyan ko siya ng nagdududang tingin. This guy creeps me like crazy.

"At pano mo naman nalaman ang size ko? Baka mamaya masyadong masikip yung pinamili mo," Mataray na sabi ko.

"Chill ka lang. By the looks of it, alam ko na ang size ng katawan mo," Nakangising sagot niya.

Nagulat naman ako sa naging sagot niya. "Kaloka ka. Ang judgemental mo naman sa akin," Naiinsultong sabi ko..

"Woah easy," Natatawang sabi niya.

Inirapan ko nalang siya. Nakakapikon ang lalakeng 'to.

"So, tara? Swimming na tayo," Pag aaya niya.

"Wala ako sa mood," Mataray na sabi ko.

"Please," Nanlalambing na sabi niya.

"Mauna ka," Walang emosyong sabi ko.

"Basta susunod ka ah," Parang batang sabi niya at pumunta na sa pool area.

Sinundan ko naman siya. Nakita ko namang hinubad na niya ang damit niya. At O to the M to the G, ang anim na pandesal. Shems ba't biglang uminit? Sinundan ko siya ng tingin. Binasa niya ang katawan niya sa shower. Mas lalong uminit nang pinagmasdan kong dumaloy ang tubig sa abs niya.

"Hey. Stop staring. Alam kong masarap tingnan ang abs ko," Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita siya.

Agad akong tumalikod at bumalik sa mesa. Nakakahiya kaloka. Uminom ako ng tubig at kinalma ang sarili. Bumalik ako sa pool area. Sakto namang naabutang kong nagdive siya sa pool. Umupo ako sa gilid ng pool at nilublob ang mga paa ko. Di ko feel magswimming eh. Tsaka ang lamig ng tubig eh.

"Join me," Sabi ni Denver habang lumalangoy palapit sa akin.

"No thanks. Wala ako sa mood mag swimming," Mataray na sabi ko.

Ngumisi naman siya at patuloy na lumangoy papalapit sa'kin. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"You know what? Ayoko yung may tumatanggi sa akin," Nakangising sabi niya sabay hila sa akin at nahulog ako sa pool.

Agad akong umahon. Grabe. Ang lamig talaga ng tubig. Jusko.

"May yelo ba yang pool? Grabe ang laming ng tubig," Nanginginig na sabi ko sabay kuha ng bath robe.

Imbes na sumagot, tumawa siya ng malakas. Kita mo 'tong lalakeng 'to. Nakakainis talaga. Umalis na ako ng pool area at pumunta na sa kwarto ko. Baka ano pa gawin ko sa lalakeng yun eh. Lakas ng tama sa utak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

[ON-GOING] LOVE WINS Book 3: Perfect IllusionWhere stories live. Discover now