Tagaktak ang pawis ko habang kaharap si Theo, tahimik lang syang tumutulong linisin ang grease trap, pano ba naman kasi ang mga kaklase ko ay puro tamad, sabagay galing kasi sa mag may kayang pamilya. Lahat siguro sila ngayon nagrereklamo na kasi gusto nang umuwi, pero ang patakaran sa school ay walang uuwi hanggang hindi pa tapos linisin ang buong kitchen. Isang lingo na rin nakalipas ng nagsimula na ang culinary class na pinag enroll-an ko, ang school na to ay sikat lalong lalo na sa mga taga hospitality department. Bukod kasi sa pagiging skwelahan ay isa din itong manning agency. 250,000 lang naman ang tuition ng school na to for 9 months' culinary certification. All in na daw yun ayun sa taga office na pinagbabayaran ko nang buong tuition ko. Halos 75% nang savings ko ang pinang bayad ko. Mas gusto ko kasi yung complete payment na para hindi ko magamit pa unti unti ang pera.