Gone Series #1 Si Vivienne Clarette Sandoval ay mahilig sa pagpinta at nagbubuwis-buhay na dalhin ang kaniyang mabibigat na gamit for painting papunta sa rooftop ng kanilang university. Gusto niya roon mag pinta dahil maganda ang tanawin, maganda pakinggan ang tinig ng mga ibon, at lalong masimoy ang hangin na nakakapagbigay sakaniya ng inspirasyon. Isang araw, pumunta siya sa rooftop nang nakahagilap siya ng lalaking nakahiga rito na may librong nakataklob sa kaniyang mukha. Ang lalaking iyon was Chester Jill Windchester, ang pinakakilalang lalaki sa buong university. Walang nakakaalam but si Chester ay isang sikat na manunulat ngunit tago ang kaniyang totoong sarili. ****** Ang kuwentong ito ay tungkol sa pagmamahalan na namulaklak during sa senior year nilang dalawa.