Yung sa dami-dami ng simpleng i-dare na pwedeng ipagawa sayo 'eh yun pa talagang halikan 'yung natutulog ninyong kaklase?! Ayos lang naman sana kung flying kiss o di kaya'y pabirong halik lang... Pero yung halik talaga sa labi 'tapos bumangon pa ito para mas lalo kang laplapin?! That was really epic! Ang epic talaga 'nun. Yan! 'Yan ang eksenang kinasangkutan ni Sandara at pino-problema nito ngayon. Ayos lang naman sana pero inisakatuparan niya kasi itong gawin 'doon pa sa pinaka-kilalang bugnuting nilalang sa buong PCCCANHS. Sa simpleng dare lang na iyon 'hindi niya inaakalang halos magulo na nito ang nananahimik niyang ordinaryong buhay estyudyante dahil sa matutuklasang pagkatao nito. Hindi lang pala kasi ito basta bugnuting ginoo lang. Dahil isa pala ito sa mga dapat na iniiwasang estyudyante... Paano niya lulusutan o tatakasan ito?! Papayag kaya siya sa kasunduang inihayag nito para sa kapahamakang siya mismo 'ang nagsimula?!