Hindi naging patas ang tadhana kay Kento Spade Rioflorido. Bata pa lamang ay sinampal na siya ng realidad. Realidad na alam niyang kahit pagbali-baliktarin niya ang mundo ay hindi ito magiging mabait sakanya kahit pa anong kabaitan ang ipakita niya. Sa murang edad ay pinaramdam na sakanya na ang isang tulad niyang isang kahig isang tuka ay tila kahit man lang mangarap ay kasalanan. Na kahit araw araw siyang mag makaawa ay hindi mag babago ang sitwasyon ng buhay niya. Bawat araw ng buhay niya ay inihahawig niya sa impreyno. Sa bawat pag hinga niya ay tila mas lalo lamang niyang pinapakumplikado ang kanyang buhay. Ngunit paano kung ang buhay niyang mala impreyno ay mas lumabis pa? Sa isang gabing inaakala niyang raket na siyang mag tatanggal ng kumakalam nilang sikmura ay ang maglalapit pala sakaniya sa kapahamakan. Anong gagawin niya? - Ms. K