Hindi alam ni Letizia kung bakit siya pumayag na sumama sa isang estranghero. Strange... pero sa tuwing magtatama ang mga mata nila, lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Subalit nagulantang na lang siya na ang estranghero at ang lalaking pakakasalan ay iisa--si Antonio Monte Bello. At kung gaano kabilis nagbago ang buhay niya, ganoon din kabilis nagbago si Antonio. Paano ba niya ito pakikitunguhan? Kaya pa ba niyang baguhin ang lahat, ngayong pag-aari na siya nito?