Hindi ka nga ikinasal pero sinakal ka naman ng Anak ng Diyos. Si Steph ay isang dalagang may mataas na katayuan sa buhay. Nasa kanya na ang lahat - karangyaan, kagandahan, katalinuhan at lahat ng mga katangiang hinahangad ng mga kababaihan. Subalit may kulang. May isang bagay na wala sa kanya - ang kagustuhang maikasal sa kaninuman. Palagi niyang tinatakasan ang mga engagement party niya. Hanggang sa may mangyari ng isang gabi. Isang pagkakamaling magtatali sa kanya sa isang dalagang mahal ng Maykapal.