Pumuslit sa bitak ang mumunting kulay lilang paa na katulad ng paa ng isang aguila. May matalas ito na kuko na parangkasing talas ng isang kutsilyo. Kumikislap ito na parang isang lilang bituin sa kalangitan. Kaagad kong iniharang ang aking kamay sa aking mukha ng lumiwanag ito ng sobra-sobra. Di ko maiwasang pumikit sa liwanag nito na tila nakakabulag ng mata. Ilang segundo ang itinagal bago ko naramdaman ang ligtas na presensiya sa loob ng kuweba. Ramdam kong tila hindi na ito kasing ilaw katulad ng kanina. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at sa aking pagmulat.... "Papanong..."mahina at mangha kong sabi habang inilibot ang aking paningin. Malinawag na ang buong kuweba. Sapat lamang ang liwanag nito upang makita ang kabuuang anyo ng kuweba kahit sa kasulok-sulokan nito. Mangha kong tinignan ang mga simbolong nakaukit sa bawat sulok ng kuweba. May mga letra na di ko maintindihan. May mga guhit itong hugis dragon, mga tao, bituin at kalawakan. Andaming mga guhit ng hapot na ngayon ko lamang nakita pero ramdam ko ang kapangyarihang taglay ng mga ito. Panigurado akong iginuhit ito ng mga taong nabubuhay noong sinaunang panahon. Ang bawat linya ng guhit at mga batong inuukutan nito ay kumikinang na parang ginto. Tila nasa loob ako ng kalawakan. Im busy adoring this magical creation ng maalala ko bigla yung bitak at kulay lilang paa . Kaagad akong tumingin sa baba at laking gulat ko nang makita ang isang napakagandang kumikinang na kulay lilang maliit na na nilalang. May mahaba itong katawan na mukhang ahas, may bitak bitak na pakpak at may sungay. Napansin ko ang nabitak na itlog sa tabi nito. Tama nga ako. Galing nga sa bitak ng itlog yung narinig ko kanina. At ang nilalang na ito...hindi ako pwedeng magkamali. Isa itong... "Dragon.." ☘️Continue reading my story if you like it. Salamat.❣️☘️- imaginative author.