Makulit, pilyo, mabait pero nakakatakot magalit. Ganyan kung ilarawan si Thunder ng mga taong malapit sa kanya. Ngunit sa kabila ng mala-gangster image nito, ay isang nangungulilang binata. Noong kabataan, madalas siyang i-bully dahil sa kahirapan, at kawalan ng ama. Ngunit ang kabataan ni Thunder ay nagkakulay nang makilala niya si Elaine. Isang matapang, ngunit napaka-cute na bata. Ito ang naging tagapagtanggol niya at nagturo sa kanya na lumaban sa buhay. At napamahal siya rito. Subalit kaagad ding natuldukan ang pagkakaibigan nila nang umalis si Elaine papuntang China. Nalungkot si Thunder sa pag-alis ng kaibigan. Pero hindi na siya na-bully pang muli. Siniguro niyang hindi siya mapapahiya kay Elaine sa oras na magkita silang muli. At nangyari nga iyon, pagpasok ni Thunder sa Montecillo University. Pero hindi naman niya magawang lapitan ang dating kaibigan ng dahil sa hiya at takot na hindi na siya kilala nito. Hanggang sa nalaman niyang nakatakda na itong ikasal, sa dating nang-bully sa kanya at ngayon ay lider na ng isang gang.. May magagawa pa ba si Thunder para maipagpatuloy ang pag-ibig niya para kay Elaine? Mapipigilan ba ni Thunder ang masamang plano ng gang ng dating kaaway? Ano ang gagawin ng The Shrewd Gangster?