Isang magkasintahan na hindi pinaburan ng tadhana. Hindi katanggap tanggap kaya't ginawan ng binata ng paraan. Sa pamamagitan ng isang kahilingan, nagunaw ang mundong kanyang ginagalawan. Makababalik pa kaya siya sa kanyang pinaggalingan? O hindi na dahil mas gugustuhin niya ng manirahan dito dahil dito niya natagpuan ang itinakda ng tadhana para sakanya? Halina't tunghayan ang mga magaganap sa buhay ng isang binata ng nakaraan na umibig sa dalaga ng hinaharap.