Kabanata 1

42 15 0
                                    

El Punto De Vista De Claire (Claire's PoV)

"Dapat ay mag-aral kayo ng mabuti dahil para sa inyo din 'yon. Hindi tulad naming mga lolo, lola, tito o tita n'yo na hindi nakapagtapos. Sa susunod, malalaman nyo din ang importansya ng pag-aaral lalo na kapag nagkaroon na kayo ng pamilya nyo sa hinaharap," malumanay na pangaral sa 'min ng lolo namin. Narito kami ngayon sa bahay nila ni Lola, dahil birthday nya bukas.

Well, it's so boring here. Tapos kung anu-ano pa ang sinasabi nya. May sense naman, kaso sayang oras lang. Kailangan ko pa man din magreview at malapit na yung exam. Marami ring undone projects and research. Tinanong ko nga si Mom kung pwede na kami umuwi, kaso sabi nya enjoyin daw namin. Wag daw kami puro aral, eh puro naman payo sa 'min na mag-aral.

"Oo nga po, Tay. Magandang halimbawa din ho si Camille sa kanilang magkakapatid. Nakapagtapos muna siya at nagkaroon ng trabaho bago siya nagkapamilya. Palagi ko din sinasabi na hindi biro ang pagpasok sa paaralan," singit ni Mom.

"Pero kilala ko ang mga kaedaran niyo. Nandiyan na kayo sa punto ng buhay na parang nangangailangan kayo lagi ng kausap, kaya nakikipagkaibigan. Gusto ko lang sabihin na sana ay pumapasok kayo sa paaralan hindi para sa inyong mga tropa. Hindi para lang makipaglibangan, kuwentuhan, at kulitan sa kanila. Tama lang na magkaroon kayo ng kaibigan at hinding-hindi ko kayo pagbabawalan don. Pero gusyo kong mag-ingat kayo sa pagpili," nakangiting sabi ni Lolo.

"At isang mahalagang paalala mga Apo, huwag muna mag-aasawa ha? Masyado pa kayong bata para diyan. Makapaghihintay ang pagmamahal, at dapat tayo din. May nakatakdang panahon ang bawat tao sa buhay na magkaroon ng asawa. Baka mabalitaan ko na may kanya-kanyang nobyo na kayo bukas makalawa," sabay halakhak ni Lolo. "Basta't pakatatandaan nyo na may tamang idudulot ang lahat ng mabuting desisyon. Lalo na sa edukasyon na talagang isang kayamanan. Alam nyo ba ang pinakamahirap na sakit sa lahat? Ang pagiging mangmang. Sa mundong 'to, kapag wala kang alam, wala kang karapatan. Isang mapait na katotohanan," dagdag niya.

"Tama, lingid sa kaalaman ng mga kabataan ngayon ang halaga ng edukasyon," pagsang-ayon ng Lola. "Noong araw, sabik na sabik ang mga kaedaran n'yo na magkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Samantalang ang mga kabataan ngayon ay akala mo nakakulong kapag nasa eskwela. Ayaw na ayaw pumasok!" kapagtapos niyang banggitin ang mga panghuling kataga nya, agad na akong tumayo at pumunta sa kwartong inilaan para sa 'kin. Kainis! Kailangan pa kasi naming bumisita dito. Kung naiintindihan lang nila na may kailangan pa 'kong gawin.

Pagdating ko, agad akong nahiga sa kama. Nag-open muna ako ng phone. Gosh! Walang signal?! Agad akong lumabas pero hindi pa 'ko nakakababa sa hagdan ng lubusan ay nakita ko si Lola na may hawak na kahon. Kulay itim ito, at may palamuting mga bulaklak. Parang nagtawag pansin sa 'kin ito at agad akong napahinto. Binuksan n'ya yung mysterious box na yun na nababagay na sa museum sa sobrang luma at alikabok.

"Lola ko ang nagmamay-ari nito. Mga apo, Chloe at Charlotte, gusto kong ibahagi sainyo ang mga kagamitang ito na siyang ipinamana lang din niya sa akin," ako? Hindi ako babahagian ng laman ng box na yan? Sabagay, muka namang marupok. Yung tipong isang gamit mo lang, patapon na. "Gusto ko ring bigyan sina Camille at Claire, ngunit nais kong narito muna kayo at marinig ang kwento na nakatago sa bawat kagamitan. Sa susunod na lang siguro silang dalawa. Handa na ba kayong makinig?" Tanong nya sa dalawa.

Nagtago ako sa likod ng isang malaking posteng kahoy malapit sa hagdan at pasimpleng nakinig. "Pwede po bang sa susunod na Lola? Mas maganda po kasi kung nandito din sina ate Camille at Claire, diba po?" Rinig kong sabi ni Charlotte. May paki talaga s'ya sa lahat.

"Apo, ito ang oras upang maibigay ko ito sainyo kaya't hindi na natin sila dapat hintayin. May oras ding ilalaan ang tadhana para sila naman ang makinig sa mga nakaaaliw na kuwento na kaakibat ng mga kagamitan. Hindi natin kasalanang nainip ang iyong Ate Claire at mas lalong wala tayong kinalaman sa hindi pagpunta rito ng 'yong Ate Camille," oras na inilaan ang tadhana? Ano 'yon? Sobrang magical naman. Tamang panahon, gano'n?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tagpuan ni BathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon