Simula

74 16 0
                                    

El Punto De Vista De Vicente (Vicente's PoV)

Isang masiglang araw, sa ilalim ng maaliwalas na puno ng Narra ay nakasandal ako. May dahon na nalaglag mula sa puno papunta sa kamay ng mahal ko na siyang nakasandal sa aking balikat, si Maria Clara. Habang nakaupo kaming dalawa dito sa damuhan na malilim gawa ng puno, ay pinagmamasdan namin ang Hacienda Isabel.

"Tunay na kay lawak ng inyong lupain, mahal ko," sabi ko habang pinagmamasdan ang kanyang ganda. Mapungay ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, at mapula ang maninipis niyang labi. Kilala ang pamilya niya sa aming bayan bilang pinakamayaman kasunod ng pamilya Fernandez.

"Mahal?" Mahinhin nyang pagtawag sa akin. "Napakaswerte ko dahil ika'y akin," dagdag nya na nagbigay galak sa aking puso. Ang tinig nya ay tila ba musika sa aking tainga dahilan para mapangiti ako lalo.

"Paanong ikaw ang swerte? Hindi ba ako? Ang isang dalagang tulad mo ay umiibig sa kagaya ko," sabay yuko na nakatingin sa aking sarili. Hindi ko akalain na papatol sa akin ang isang dilag na gaya nya. Isa lamang akong hampaslupa kung itatapat sakanya, pero narito sya ngayon at pinapatunayan ang nararamdaman nya para sa akin. "Lubos akong pinagpala," nakangiti ngunit may lungkot kong pagpapatuloy.

"Hindi nararapat na tumingin sa estado ng buhay ng isang tao ang nagmamahal. Sabi nga, kapag ika'y nagmamahal, parang nawawala ka sa iyong sarili. Nakakaya mo ang mga bagay na hindi mo kaya, nagiging tama sa paningin mo ang mali, at nagagawa mo ang alam mong imposible mong magawa basta para sa iyong iniibig. Magkaiba man ang estado nating dalawa, pareho naman tayo ng nararamdaman para sa isa't-isa. Handa akong gawin ang lahat, makasama lamang kita habambuhay," nakangiti niyang salaysay.

Tama siya. Hindi pabor ang mga magulang niya na maikasal kaming dalawa dahil sa mahirap lamang ako. Ngunit narito siya ngayon at nakikipagkita sa akin. Noong ipinakilaka niya ako sa mga magulang niya, itinaboy lang ako ng mga ito. Gayumpaman, hindi nawala ang pag-ibig nya sa 'kin.

"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari?" Tanong nya. "Pagpasensyahan mo na ang aking mga magulang. Ngunit hindi ko hahayaan na sila ang masunod. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang gusto kong makasama, ikaw lang at wala nang iba. Pangako, mahal ko gagawin ko ang lahat upang mapapayag sila."

Kusang napawi ang lungkot ko at napalitan ng kampanteng pakiramdam. "Hindi talaga ako nagkamali. Hindi ka lang maganda, sukdulan ka pa ng bait," puri ko sakanya. Nakita ko naman na bahagyang namula ang kanyang mga pisngi. Nakakatawa ang kanyang itsura kapag kinikilig.

"Bakit ka tumatawa? May dumi ba sa aking mukha?" Nahihiya nyang tanong at mas namula pa ang pisngi. Hindi nakapagtataka kung bakit maraming kalalakihan ang sumubok na ligawan siya. "Wala namang dahilan upang ikaw ay tumawa. Bahala ka, kapag hindi mo sinabi ang dahilan, iisipin ko na nawala ka na sa katinuan," pananakot niya.

"Masaya lamang akong makita kang muli sa tagal ng panahon na hindi tayo nagkita. Kamusta naman ang sinasabi mong bago nyong tagapagsilbi?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ayos lang. Sumusunod naman siya kay Don Miguel at mukang tapat siya kay Ama. Alam mo, dahil sobrang nangungulila ako sa iyo, naaalala kita kapag ako'y titingin sakanya. Kaugali mo din kasi siya at mayroon kayong pagkakahawig," kuwento niya.

"Kung gayon ay pinagpapalit mo na 'ko?" Pagbibiro ko.

"Bakit? Nais mo ba?" Sasagot pa sana ako nang bigla niya ako itulak dahilan para malaglag ako pababa sa burol. Tumama ang siko ko sa isang bato dahilan para magkaroon ako ng gasgas sa bahaging iyon ng aking katawan. Sinikap ko na makabalik sa tuktok ng hindi ganon kataas na burol kung nasaan ang puno ng narra ngunit 'pagbalik ko ay wala na si Maria. Labis ang aking pagtataka sapagkat hindi niya iyon gagawin ng walang dahilan.

Tagpuan ni BathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon