Si Helbert ay isang studyanteng pinagkakaguluhan ng buong babae sa kanilang campus. Heart throb ng kanilang batch. May best friend siyang nagngangalang Alren. Lagi niyang kasama sa lahat ng gimik at kalokohan. Parang magkapatid na kung magturingan. Pero may lihim na itinatago si Helbert para kay Alren, isang lihim na hindi inaasahan. Ito ay ang mahumaling sa kanyang best friend. Paano kaya ang magiging takbo ng relasyon ng dalawang magkaibigan kapag nalaman ni Alren ang katotohanan?