Isang mahusay na abogado si Larissa Dela Fuente. Kilala sa pagiging tapat at walang kinikilingan bilang isang abogado, bawat kasong hawak niya ay tiyak ang hustisya at tagumpay na resulta. Bukod doon ay isa siyang guro sa isang unibersidad at nagtuturo ng asignatura ng kasaysayan, kung saan naman siya kilala bilang "Terror Professor" dahil sa pagiging strikta nito. Maayos naman na ang lahat sa kanya, kung hindi lamang dumating ang isang kaso na pahihirapan siya. Susubukin nito ang kanyang katapatan sa bayan at tungkulin. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa gitna ng pag-usad ng kaso ay napunta siya sa ibang mundo. Kung saan kasalukyang taon 19XX. Inakala naman niyang bumalik siya sa nakaraan. Gulong-gulo sa nangyari ay pilit siyang humanap ng paraan upang makabalik lalo pa't nasa katawan siya ng isang paslit. Makabalik kaya siya sa kasalukuyan? Makatulong kaya siya sa bayang bigla niyang kinamulatan? O mananaig ang kagustuhang piliin ang sarili at hindi na naising kumilos pa para sa iba. Kung sapat nga ba ang pag-ibig para sa bayan, magagawa niya kayang talikuran ang mundong pinagmulan? Bayan o Sarili? Alin nga ba talaga ang mas matimbang.