Si Cara ay nagising na lamang sa isang kakahuyan kung saan ay hindi sya pamilyar. Napaka-dilim, sobrang dilim sa paligid na halos wala nang makita ang dalaga. Habang tumitingin sya sa kanyang paligid ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang takot. Bigla siyang may naramdamang napakalakas na presensya mula sa kaniyang likuran. Nakakasakal at nakakapangilabot ang presensya ng tao na iyon. Ngunit, tao nga ba ito? Dahan-dahang niyang ipinilit ang kaniyang ulo. Ngunit pagkaharap niya ay wala namang tao. Hanggang sa may bigla na lang siyang nakitang babae sa di kalayuan. Pero ang ikinatakot niya ng husto ay dahil sumayaw ito ng pa-ikot-ikot! at may hawak pa itong kutsilyo!