Kung kailan magtatapos na ng kolehiyo ay saka lamang tumino sa pag-aaral si Marissa. Ang dating laging laman ng masasamang impluwensya ng barkada ay naging masigasig sa pag-aaral at pagtuturo; lalo na nang malaman niyang kaanak pala nito ang napabantog na isa sa mga bayani ng Pilipinas ngunit halos nilimot na ng nakararami. Tahimik ngunit may kaakibat na panganib ang pamumuhay ni Pantaleon nang dumating sa Maynila buhat sa probinsya ng Cebu. Habang nagtatanghal sa mga pa-sirko at pagsasalamangka, ay tinutupad niya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng Katipunan. Subalit nadagdagan pa ang kanyang responsibilidad nang dumating sa buhay niya si Marissa, at mababantog na kasintapang ng leon at 'simbilis ng kidlat kung kumilos. Sa madaling salita, ito na ang sinasabi ni Marissa na si alyas "Leon Kilat" na kanyang great-granduncle. Sa kabilang banda... Umibig sa bayan? O umibig sa sino man? Ano ang mananaig kay Teresa gayong tila kusang lumalayo na ang pag-ibig ni Pantaleon sa kanya. At lalong makikilala ni Gian si Pantaleon nang muli silang magtagpo, makalipas ang 125 na taon. Sa pagtatanghal sa circus at magic, ika'y pasasabikin at pasasayahin sa mga tricks at palabas; na maihahalintulad sa makulay na samahan nina Pantaleon, Marissa, Teresa at Gian. Subalit hanggang saan ang kayang isakripisyo ang tawag ng bayan, gayong kapwa kapanalig ang pumipigil at 'simbilis din ng kidlat kung ito ay bawiin? Samahan natin sila sa mala-mahika, at makisabay sa mala-circus na buhay pabalik sa Ika-19 na siglo at sa panahong kasalukuyan!