Isang babaeng estudyante, si Yuji. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalulutas ang bagay na bumabagabag sa kaniya, lalo pa't siya ang kinapitan ng hindi matahimik na patay na kaniyang nakasalamuha. Sa hindi niya inaasahan, isang panulat ang lilitaw na magsisilbi niyang solusyon at daan sa kaniyang mga problema. Ngunit kapalit, buhay ang ibubuwis sa bawat pangalan na paggagamitan nito. Isa lang iyong bangungot sa buhay niya, pero totoong nangyari.