Pagkatapos mangyari ang aksidenteng sanhi ng pagpo-provoke ni Ralph sa isang australian truck ng gabing nagroadtrip sila, nalaman nilang nawawala ang isa sa kasamahan nila. Masama ang natamong sugat ni Emma at wala silang mahingian ng tulong dahil walang kahit na isang tao sa lugar na iyon. Nang may tumulong sa kanilang isang babae, na nakilala naman ni Austin noong napadaan sila sa isang bar, ay agad naman nila iyong tinanggap. Ang hindi nila alam, mas mapapahamak pa pala sila sa ginawa nilang pagtanggap na iyon. Makakauwi pa ba ng buhay ang limang magbabarkada kung ang halos lahat sa kanila ay masama ang lagay? Makakauwi pa ba sila ng buo kung ang isa sa kanila ay nawawala? Makakauwi pa ba sila ng ligtas kung tumapak na sila sa kakaibang lugar na iyon?
52 parts