(Under Revision) Noon, kapag naririnig ni Alliyah Montenegro ang salitang "kasal", walang paglagyan ang sayang nararamdaman niya. Klein Adriel Fortalejo is her greatest love. Hindi niya makita ang sarili niyang ikinakasal sa ibang lalaki maliban kay Klein. Kaya no'ng araw na yayain siya nitong magpakasal, agad siyang pumayag. Pakiramdam niya nang mga oras na 'yon, siya na ang pinakamaswerteng babae. But on their wedding day, something unexpected happened. Ang dapat pinakamasayang araw sa buhay niya ay naging tila isang masamang panaginip. Alliyah felt nothing but pain and confusion when Klein gave her hand to his cousin, Calix Calibre Fortalejo. Ngayon, isa na ang salitang "kasal" sa pinakaayaw niyang marinig na salita kahit kelan.