Chapter 25

1.7K 77 10
                                    

Weeks passed by at ngayon na ang laban nila sarah sa volleyball. Puno ng estudyante ang quadrangle kung saan gaganapin ang kanilang laro. Kanya kanyang cheer ang naririnig nila, mga batang nag titilian pag nakita ang mga athlete crush nila. Halata naman kay sarah ang kaba habang nag pa-practice sila, naunang mag laro ang men's volleyball kaya naman sila sarah na ang sunod. Inaantay lang nila mag alas dos bago sila mag simula. Sila abby naman na nakaupo sa bench ay todo ang cheer sa kaibigan, ilang minuto ang nakalipas at sumenyas na ang kanilang coach na mag sisimula na ang laban. Kaya naman inayos nila sarah ang kanilang sarili at naghanda. Isa isang pinakilala ng MC ang mga players na sasalang sa unang set ng laro at ng si sarah na ang pinakilala ay halos mabingi ang mga teachers sa tili ng mga estudyante. Isang kaway at makalaglag undies na ngiti ang ibinigay ni sarah sa mga audiences at nang makita si tanch sa bench kung saan ito nakaupo kasama sila abby ay kinindatan nya ito. 

Tila kinilig naman si tanch dahil namula ang mga pisngi nito kaya naman siniko sya ni trixie at inasar ni abby inirapan nya lang ang mga ito atsaka tumingin ulit sa gawi ni sarah na nakikipag kamay na sa kalaban.

Umpisa palang ng laban ay dikit na ang kanilang score magaling din ang kabilang team kaya naman nag isip na ng mga paraan ang team ni sarah kung paano nila ito matatalo. Kay sarah lagi pinupunta ang bola kaya naman halata sakanya ang pagod at hingal, 15-13 ang score angat ng isang puntos ang team nila sarah. Nang makabuwelo si sarah ay pinagod nya din ang mga players ng kalaban nila mabilis ang mga ito ngunit mahina sa atake. Halos malula ang libero ng kabilang players ng si sarah ang nag serve alam nito na hindi nya masasalo ang bola dahil sa bilis at lakas nito. Kaya naman naging Ace ito. Ang puntos ay kela sarah.









Hanggang Set 4  lang ang laban nila at pang Set 3  ngayon, palitan lang ng score ang nangyayari sa dalawang team kaya naman intense ang laban nila. Cheer ng mga taga suporta ng kabilang team ang naririnig at ganun din syempre ang lahat ng estudyante na sumusuporta kela sarah. Makikita mo ang pagod sa dalawang team, 24-22 ang score nila angat sila sarah at isang puntos nalang ang kailangan para manalo sila. Si sarah ulit ang mag s-serve kinakabahan sya dahil isang pagkakamali lang ay mapupunta ang score sa kabilang team, huminga sya ng malalim atsaka inihagis ang bola sa ere at pinalo. Nakatayo na ang lahat manonood.  Halos nagpapasahan lang sila ng bola binabantayan na hindi mahulog sa sahig. Kay sarah ulit binigay ng setter nila ang bola at mabilis pa sa alas kwatro ang pagpalo nya sa bola na dahilan upang hindi agad masalo ng libero ng kabilang team. Agad itong tumama sa sahig at naghiyawan ang mga tao dahil panalo ang team nila sarah. Tumakbo ang lahat ng players kung nasan sila sarah at niyakp ang mga ito.  Mangiyak ngiyak naman sila  sarah dahil last na laban nila ito lalo na ang mga seniors na kasama nila sarah. Sila abby naman na nag tatatalon sa tuwa at nagsisisigaw dahil napanalo ni sarah ang team nila. Bumalik naman ang ibang players na hindi sa volleyball team, ang lahat naman ng mga kasama nila sarah ay pumila at nakipag kamay sa kabilang team. To show their respect.  May iba naman nakipag beso at yakap halos lahat naman ng kinakamayan ni sarah ay niyayakap at hinahalikan sya sa pisngi kaya naman inis na inis si tanch at nag titimpi nalang.

After ng picture taking at mga awards na binigay kela sarah ay may mga batang estudyante ang nagpapicture sakanya grupo ng mga babae ang mga ito hinalikan naman sya sa pisngi ng isang babae at ayaw ito ni sarah kaya naman pasimple nya itong pinunasan at hinanap si tanch sa bench nakita naman nya itong galit na nakatingin sakanya napalunok naman sya ng laway at nabaling ang atensyon sa babaeng nag papaautograph sakanya. Napansin naman ni abby si tanch kaya naman siniko nya ito dahilan upang mapatingin ito sakanya.

Abby: Hoy mga tingin mo ha!

Tanch: Ano meron?

Abby: Nag seselos ka no. Okay na ba kayo ha?

Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now