Chapter 18

1.6K 72 45
                                    

1 week later

Mabilis nag daan ang mga araw halos busy na ang lahat ng estudyante dahil may periodical exam na sila, review dito review doon lalo na sila tanch dahil pang 3rd periodical exam na nila kailangan nilang makakuha ng mataas na score dito dahil importante ito. Last review na nila ngayon dahil bukas na gaganapin ang periodical exam nila nasa classroom sila ngayon at may kanya kanyang subject na nirereview ng biglang may tumawag kay tanch

Student 1: Tanch, hanap ka ni joross ito oh nasa labas *sabay turo kay joross*

Nagtataka man sya ay tumayo at pinuntahan sa corridor nila si joross nagulat ito dahil may dala itong fries na tinda galing sa canteen nila.

Joross: Hi tanch napadaan lang ako dito binilhan kita ng fries alam ko stress ka na dahil nag rereview ka. Ito oh *sabay abot ng fries*

Tanch: Ay nag abala ka pa, kakakain ko lang kase busog pa ko.

Joross: Ganun ba ahm.. sig--

Tanch: Pero sige akin na nag ccrave ako nyan eh

Lumaki naman ang ngiti ni joross ng marinig iyon kaya naman binigay na nya kay tanch ang fries at nakipag kwentuhan saglit.

Si sarah naman na humugot ng lakas ng loob kung saan man or kung kanino man ay pumunta sa building nila tanch dahil gusto na nyang kausapin ito, nang nasa floor na sya ng room nila tanch ay napahinto ito ng makita na masayang nag ku-kwentuhan sila joross at tanch. Biglang sumikip ang dibdib nya at pinag masdan si tanch masaya sya iba ang mga ngiti nya na mas lalong ikinalungkot ni sarah mas lalong hindi nya kinaya ang mga sunod na nakita dahil nagyakap si tanch at joross. Kusang tumulo ang luha ni sarah at dahil sa nakita ay dali dali itong umalis, pinupunsan nya ang mga luhang nag uunahan bumagsak mula sa kanyang mata. Lingid sa kaalaman nya ay napansin sya ni tanch na galing si sarah sa building nila dahil pag aalis ni joross ay syang labas ni sarah mula sa building. Nasa 3rd floor ang room nila tanch kaya naman kita ito pag nakatambay sa corridor. Nagtaka man si tanch kung bakit nandun si sarah ay inisip nalang nya na baka may ibingay ito sa isang subject teacher nila, pumasok na sya ulit sa room nila at nag simulang mag review.

Si sarah naman ay umupo sa kanyang upuan at pinag patuloy ang pag rereview ngunit hindi sya makapag focus dahil ayaw mawala sa isip nya ang kanyang nakita, kung ano ano na din ang pumapasok sa isip nya na baka si tanch at joross na. Baka nililigawan na ni joross si tanch halos mabaliw si sarah dahil sa naiisip nya kaya naman pumikit nalang sya. Napansin naman sya ni faye kaya naman agad syang nilapitan ni faye at niyakap ito. Umiyak ng tahimik si sarah habang nakayakap kay faye si jason naman ay nagtaka kung bakit ito umiiyak at ganun din si christian kaya naman pinatahan nila si sarah at kinausap ito. Ngunit nakatulala lang si sarah at ayaw makipag usap hanggang sa mag uwian ay ganun sya.

Andaming pumapasok sa isip nya hanggang sa kanyang pag uwi, nag palit sya ng pambahay at naghain na ng makakain dahil nag luto ang daddy nya ng paborito nyang ulam. Matagal ng napapansin ng pamilya nya hindi sya okay pero inoobserbahan lang nila si sarah at ngayong gabi ay kakausapin nila ito kung ano ba ang problema nya.

Nagsimula na silang kumain ang kuya at ate ni sarah ay nag aasaran tungkol sa mga love life nila habang ang mga magulang nila ay nakikinig at nakikipag biruan pa, ngayon lang naging tahimik si sarah sa hapag kainan madalas kase ay mapang asar din ito. Patuloy lang ito sa pagkain nya at kahit paborito nya ang ulam ay onti lang ang kinuha nito. Tahimik at malalim ang iniisip, nagkatinginan ang dalawa nyang kapatid at nag turuan pa kung sino ang dapat mag salita. Hanggang sa nag salita na ang kuya nya.

Kuya: Sarah? Okay ka lang ba?

Ngunit parang hindi narinig ni sarah ang kuya nya kaya naman tinawag sya ulit nito.

Kuya: Sarah!

Nagulat naman si sarah at napa angat ang ulo at tumingin sa kuya nya

Sarah: Bakit kuya?

Kuya: Kanina pa kita tinatawag, okay ka lang ba? Mukang matamlay ka at nakakapanibago dahil onti lang ang ulam na kinain mo favorite mo yan diba?

Sarah: Yes kuya, okay lang ako. Kumain kase ako kanina sa school eh busog pa ako. Kaya onti lang kinuha ko na ulam.

Ate: Eh sarah matanong ko lang, san ka ba pumupunta bakit gabi ka na umuuwi?

Sarah: *napalunok* ahmm.. kase pumupunta ako kela faye wala kase syang kasama sa bahay ate eh may problema din kaya ano. Sinasamahan ko sya..

Lomy: Totoo ba sarah?

Sarah: Yes lomy totoo po *kinakabahan na*

Daddy: Okay sige, basta mag update ka samin kase nag aalala kami sayo sarah joy, lagi kang umuuwi ng gabi. Pagkauwi galing school kakain ka lang tas aalis ka na naman. Anong oras ka na umuuwi. Babae ka kaya nag aalala kami sayo.

Sarah: Opo daddy sorry po.

Daddy: It' okay basta mag sabi ka kung nasan ka okay?

Sarah: Opo.

Tapos ng kumain sila sarah at ngayon naman ay nasa kwarto na sya at nakahiga. Naiiyak na naman sya dahil hindi nya maiwasan isipin ang nakita nya kanina. Puno ng lungkot at pag sisisi si sarah pakiramdam nya ay hinang hina na sya, physically and emotionally drained and tired ang nararamdaman nya. Pakiramdam nya ay niyayakap na sya ng depresyon ngunit ayaw nyang isipin yun dahil alam nyang matatalo sya. Tanging led lights lang ang nag papaliwanag sa kwarto nya. Kinuha nya ang picture ni tanch na nakapatong sa bedside table nya at pinag masdan ito. Naalala na naman nya ang masasayang ala-ala nila ni tanch, kung pano sya sinagot ni tanch, mga pag hatid sundo nya dito at mga away bati nila. Miss na miss na nya ito gusto nya na ulit maramdaman ang yakap at mga halik ni tanch, gusto na nyang hawakan ulit ang mga kamay nito. Kaso imposible na. Umiyak sya ng umiyak habang hawak ang larawan ni tanch.

Tanging larawan, tanging larawan mo
Ohhh ohhh
Tanging larawan, tanging larawan mo
Parang kailan lang nung huli kang makausap
Parang kailan lang ngayon naka tingala sa ulap naghahanap ng sagot
Sa bawat katanungan nag mumukmok umiiyak habang yakap ang unan

Ngayon hindi ko na alam kung saan kukuha ng lakas upang bumangon dahil nga wala ka na
Sa totoo lang hirap na hirap na kong isipin kung paano ka bumalik Saking muli pagod na pagod narin akong piliting limutin ang pagka sawi
Wala ba talagang katapusan ang masaktan ang mayakap ka ay walang ka siguraduhan
Kung may isang hiling at mapag bibigyan ang tanging nais ko ay ang muli kang mahagkan

Larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko at kahit anong gawing
Limutin ka hindi maalis sa isip ko ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak hawak ko at sa pagdating ng tamang oras ay
Muling mararanasan ko na mahawakan mo
Tanging larawan, tanging larawan mo
Ohhh ohhh

"Tanch.. balik ka na, miss na miss na kita sorry sa mga ginawa ko" kinakausap na nya ang sarili nya iyak lang sya ng iyak habang yakap ang larawan ni tanch, ang mga iyak ni sarah kung papakinggan mo ay nakakadurog ng puso, mabigat, masakit puno ng pag sisisi. Inabot sya ng madaling araw sa kakaiyak. Gusto nyang umalis sa bahay nila at mag inom kaso mukang makakahalata na naman ang mga magulang nya. Kaya mas pinili nalang nya na manatili sa kwarto at umiyak. Scroll sa fb at panay ang stalk kay tanch ang ginawa nya hanggang sa maramdaman nyang sumasakit na ang ulo nyo kaya natulog nalang sya.









Malungkot at mabigat ang pakiramdam nya. Yan lang ang tanging nararamdaman nya, depresyon na ata ang yumayakap sakanya.







































HI GUY!!!! ETO NA UPDATE!!! SORRY KUNG MATAGAL, MAHIRAP PAG SABAYIN ANG SCHOOL WORKS AT PAG UPDATE HAHAHAHHAHAHAH! ANYWAYS! ENJOY!! 💗💗

ESSPPEEGGEE SQUAD LANG MALAKAS✨









Forever Yours (HIATUS) Where stories live. Discover now