Chapter 12

615 24 1
                                    

Chapter 12

Wala akong ibang pinag kaabalahan kong hindi ang alagaan si Sheena  nong matapos siyang ma discharge sa hospital,Maingat ko siyang inaalagaan kahit pa sobrang busy ko. Tumigil narin siya sa pag aaral dahil hindi na niya kayang lumakad pa at hindi narin kaya ng puso niya. Palagi niyang sinasabi sa akin na namimiss na niyang pumasok pero anong magagawa ko? May sakit siya and she need more rest for her incoming operation. Baka aabsent muna ako sa pag aaral at trabaho dahil sasamahan ko sila mama sa Surigao.

Nong mga lumipas na linggo ay palagi kaming magkasama ni Lance at kinuwento ko sakanyang nakalabas na si Sheena ng hospital, Even Mr. Montemayor nalaman niyang na ospital ang kapatid ko at balak sana niyang mag abot ng tulong pero tumanggi ako, ewan ko ba kung bakit ganun kabait si Mr. Montemayor..ganun rin ba ang trato niya sa ibang mga empleyado niya?Nag e-email din siya sa akin kahit naman na wala siyang ipinapagawa, kinakamusta lang niya ako ganun.

Andaming nangyari nong nakaraang linggo, kahit na full units ako at pinag sasabay ko ang pag aaral at pag tatrabaho ay sinikap kong huwag pabayaan ang pag aaral ko lalo pa't nasa Dean lister ako last sem. ,Hindi na nga rin ako nakapunta nong pageant pero nagkwento si Lance dahil wala daw silang isang pares ng representative dahil nagka problema daw si Kenzo. Disqualified naman na si Amora dahil siya lang yung um-attend nong gabing iyon. At ang dahilan daw ni Kenzo ay binantayan niya si Soren sa hospital dahil nag laslas na naman daw ito. Soren had a suicide attempt kaya hindi na talaga bago kong maririnig mong nasa hospital na naman siya.She had a family problem kaya minsan ay depressed. Nakakaawa siya minsan dahil tulala at hindi mo makausap pero nagpapasalamat ako sa diyos dahil hindi natutuloy ang pagpapakamatay niya. God has plan for her kaya siguro ganun.

Pero nong variety show ay um-attend ako pero laking dismaya ko ng hindi sila nag perform dahil wala ang vocalist nilang si Amora. I know the reason. Malamang nag away si Kenzo at Amora dahil kay Soren. Sino ba naman kasing hindi magagalit kapag ang partner mo ay hindi ka sinipot sa pageant? Kong si Lance ang gagawa nun sa akin? Ewan ko nalang. Balita ko rin kasing nanliligaw si Kenzo kay Amora kaya masakit sa parte ng babae kong mas priority ng lalaki si Soren.

But Amora and Kenzo need at least to talk. Kasalanan din naman ni Kenzo iyon kaya kailangan niyang kausapin ang babae para hindi pa lumalala ang sitwasyon.

Sa gitna ng pag iisip ko ay biglang umilaw ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ko sa screen ng phone ko ang pangalan ni Lance.

From Lance:

I miss being within 2 metres of you.

From Lance:

Dinner?

Sa dalawang mensaheng nabasa ko ay sa unang text niya lang ako nanginig. Really? Eh halos araw araw ata ay nagkikita at magkasama kami.

Nagtipa ako ng reply.

To Lance.

Not available. Inaalagaan ko si Sheena.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakatanggap muli ako ng mensahe mula sa kanya.

From Lance:

Sa Saturday available ka? May outing kami with the band. Kasama sila Amora.

To Lance:

I have work:(

From Lance:

Bakit hindi ka nalang mag resign diyan? Kaya ko naman kayong buhayin. Halos wala kanang pahinga at isa pa hindi ko type yang boss mo.

To Lance:

Hindi ka rin naman type ng boss ko.

Tumawa ako sa reply ko sakanya.

Sounds Of Waves(Siargao Series #1)Where stories live. Discover now