Chapter 6

803 26 0
                                    

Chapter 6

“Pinag tritripan mo ba ako?”

Lumaki ang mga mata niya sa tanong ko “G-gets muna?”

“Kahapon pa!” sagot ko.

Namula siya sa sinabi ko, kung hindi naman talaga sa tulong ni Sheena ay hindi ko ma gegets iyon.

“Tapos sinabi mo pang nasa tabi mo ngayon.” namula din ako dahil sa sinabi ko.

“A-anong masasabi mo?” kinakabahang tanong niya.

Ngumiti ako ng pilit, hindi ko dapat ipahalata na kinabahan ako ngayon. Crush lang naman eh wala namang masama doon, dapat nga magpasalamat pa ako dahil may nag ka-crush sa akin kahit na alam kong hindi ako kagandahan.

“Thanks” tipid na sagot ko dahilan upang mapakunot na naman ang noo niya.

He bite his lower lip.“Ikaw lang yung babae na ganyan ang reaksiyon kapag nalaman niyang may nagkakacrush sakaniya. You're weird but I like weird people lalo na kapag ikaw”

“Ganda mo talaga” patuloy niya kaya napahawak ako ng mahigpit sa sling bag ko habang nakatingin sakanya.

“Ganda ng mata mo, tapos ilong pati labi, ang cute din ng pisngi mo bagay sa makakapal mong kilay..swerte ko siguro kapag naging girlfriend kita”

Nahampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Ano daw??? Nang maramdaman kong nag init ang pisngi ko ay napaiwas ako ng tingin dahil baka mahalata niyang may gusto din ako sakanya..

Pero meron nga ba? I don't think so..pero nararamdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko.

“B-baliw” iyon lang ang nasabi ko dahil baliw naman talaga siya.

“Sa'yo” he smirked before turned his gaze to his wrist watch.

“Alas dose na pala” napatayo ako sa sinabi niya,

“Patay! Kelangan ko nang umuwi” sabi ko bago tinawag ang waiter dahil magbabayad ako ng bills. Nang makabayad ako ay dali dali akong lumabas kasabay nun ay nag vibrate ang cellphone ko kaya dali dali kong tiningnan kong sino ang nagtext.

From Ria.

Nauna na kaming umuwi! Tagal mo kasi dzae, alams naman namin na ihahatid you ni Lance kaya enjoy..xdxd hoy sa bahay niyo kayo dumiretso ah, huwag sa motel because masama iyon! Mahal kita Bea! Kaya ingatan mo cherry pop2x mo.

Napaawang ang labi ko sa text ni Ria! Really? Iniwan nila ako dito? Tapos..tangina!

“I will drive you home Bea, ihahatid na kita” nagulantang ako nang marinig kong magsalita si Lance sa tabi ko.

I shook my head “Hindi na..sasakay nalang siguro ako sa trycicle, or mag lalakad”

“Delikado Bea..mas magiging ligtas ka kapag sa akin ka sasabay, saan ba ang bahay niyo?” tanong niya.

I bit my lower lip “Sabing---”

“Ang kulit! Sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid kita..baka gusto mo pang buhatin kita papunta sa parking lot para lang maisakay sa kotse ko.”

Nanlaki ang mga mata ko sinabi niya “Mabigat ako, saan ba ang kotse mo?”

“Kaya naman kitang buhatin Bea” narinig kong sabi niya pero binalewala ko nalang iyon, tumayo na siya bago pa ako makapag salita ulit.

Ngumisi pa ang loko bago siya sumenyas na sundan ko siya palabas ng M bar. Nang makalabas kami at makarating sa parking lot ay tumunog ang isang sasakyan, senyales na sakanya iyon.

Sounds Of Waves(Siargao Series #1)Where stories live. Discover now