Chapter 22

679 22 0
                                    

Chapter 22

Nong araw na sinabi sa akin ni 'yon ni mama ay pinanindigan niya 'yon, sa isang linggo ay isang beses nalang siyang umuuwi sa bahay. Wala na talaga siyang pakialam sa akin, hindi na niya ako kinakausap kahit pa nasa iisang bubong lang kami.

Kinakaya ko nakang kasi wala na akong magagawa eh. Kong iyon ang magiging kapalaran ko, buong puso kong tatanggapin iyon, siguro nga ipinanganak lang ako sa mundong ito para masaktan, para itakwil ng sariling magulang. Lagi kong iniisip na hindi lang naman ako ang taong may ganitong pinagdadaanan, siguro ay marami kami, pero kahit na ganun at hindi ko sinisisi ang panginoon, kong ano man ang magiging kapalaran ko in the future, tatanggapin ko iyon ng buong loob.

The next day, I went on Josh hotel. Hindi ko ipinaalam kay Lance dahil alam kong magagalit siya. Wala naman akong klase ngayong umaaga kaya don muna ang lakad ko.

Nilakad ko lang 'yong hotel dahil malapit lang naman 'to sa tinitirahan ko.

Naisipan ko kasing kailangan kong humingi ng tawad sakanya dahil sa naging sagutan nila ni Lance nong nakaraan. At hindi matatahimik ang utak ko kapag hindi kaagad ako nakahingi ng tawad sakanya.

Malayo palang ako sa hotel ay namataan ko na kaagad sila ng kuya Jacer niya, nakatayo sila malapit sa tourist van sa harap ng RBC hotel, nag uusap silang dalawa at paminsan minsan ay tinatapik ni kuya Jacer ang balikat ni Josh. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang biglang lumingon si Kuya Jacer sa akin.

Sunod na tumingin ay si Josh na ngayon ay biglang sumeryoso ang mukha nang makita ako. Nginitian ako ni kuya Jacer bago siya dali daling lumapit sa akin. Iniwan si Josh sa tapat ng Van.

“Bea, kamusta kana? Ang laki mo na ah” natatawang sabi sa akin ni kuya Jacer bago niya ako niyakap, close kasi kami nito noon kaya para sa akin ay walang malisya ang biglang pagkayakap niya sa akin.

Kumalas siya sa yakap sa akin bago niya sinuri ang mukha ko. “Ang ganda mo pa rin”

Nahiya ako sa sinabi niya. “Mahilig ka paring mambola kuya Jacer” iling ko na nagpatawa sakanya.

“Kuya can I talk to Bea?” napatingin ako kay Josh nang sumingit siya sa usapan namin, maging si kuya Jacer ay napatingin sakanya. Gusto pa sana akong kausapin ni kuya Jacer pero wala na siyang nagawa nang magpumilit si Josh.

“Okay, okay.. tutulong nalang muna ako sa pagdadala ng mga gamit mo sa Van” sabi ni Kuya Jacer bago bumaling sa akin at nag excuse na papasok na nang hotel. Tinapik pa nito ang balikat ni Josh.

Nagtataka akong tumango sakanya bago ko ibaling ang tingin kay Josh na seryoso parin ang mukha.

“Lilipat ka ba ng hotel?” nagtatakang tanong ko.

Tumikhim siya bago umiwas ng tingin “Uuwi na ako ng Vigan, ngayon ang flight ko”

Nagulat ako sa sinabi niya, aalis? Eh wala pa nga siyang dalawang linggo dito.

“Na visit ko na ang site at bukod doon ay wala naman na akong gagawin dito sa Siargao. Kesa sa magsayang ako ng panahon dito, uuwi nalang ako” tumingin siya sa akin.

Alam kong galit parin siya, sa pamamagitan ng kanyang titig, at alam ko naman nang hindi ko na siya mapipigilan ngayon, kung hindi pala ako pumunta dito ay hindi ko malalaman na uuwi na siya, at alam kong wala na siyang balak na ipaalam sa akin 'yon.

“Bakit ka nandito? Your boyfriend get mad if he found out that you're here.” malamig na sabi niya sa akin.

I cleared my throat as I stared at him “Sinadya ko talagang pumunta dito, gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari,pasen---”

Sounds Of Waves(Siargao Series #1)Where stories live. Discover now