CHAPTER 9

338 17 0
                                    

KENDRIC POV

Sinundan ko  sila Ashey at Axel nakita ko din kung ano ang nagyari sa kanila.

Hay!hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako siguro kasi mahal ko pa sya.Maya-maya may bigla nalang pumasok sa kwarto ko at si Ashey.

"Ken, can we talk!"saad nya sakin at umupo sa tabi ko sa kama.

"Galit ka ba sakin?"

"Hindi!"maikling sagot ko

"Bakit Hindi mo ako pinapansin?"tanong nya habang nakatingin sakin."Don't tell me na nagseselos ka kay Axel!"dagdag nya pa hindi ako nakasagot kasi tama naman sya ngayon lang ako nakaramdam ng selos sa buong buhay ko.

"Bakit hindi ka makasagot?, tama ba ako?"tanong nya pa  habang nakatitig lang sya sakin.

"Pano kung sabihin kong Oo,Ashey nagseselos ako may magagawa ka ba?"sagot ko

"I know na isang pagkakamali ang nakita mo non at isa pa hindi ako ang nauna ang kaibigan mo.Ang lahat ng nakita mo siya ang may gawa non sa sarili nya, alam mo na hindi ko magagawang gawin yun sayo!"deretsong saad ko para nalaman nya na ang totoo.

"Kung hindi mo gusto yun bakit ayaw nila akong papasukin sa loob?"tanong nya.

Flashback

Balak kong  isurprise si Ashey sinabihan ko si Maxuel at Axel na wag papasukin si Ashey at dalhin na sa restaurant at susunod ako.

Nang hindi ko alam kung paano nakapasok si Nicole sa condo at kung ano-ano na ang ginawa kusa nyang tinanggal ang damit nya at nilapitan ako hindi ako makaalis sa halik nya.

"Nicole,Ano ba tama na!"saad ko kay Nicole at itinulak sya.

"Ken, I love you!"saad nya sabay tayo ulit at nilapitan na naman ako.

"Hindi kita mahal umalis ka na!"saad ko ulit sa kanya nang  maya-maya  bumukas ang pinto at si Ashey ang bumungad.

Nakita ko kung paano mamuo ang luha sa mga mata nya pakiramdam ko ng mga time na yun kinasusuklaman nya ako.

Alam ko din na masakit para sa kanya yun lalo na sa araw pa ng birthday nya

Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero ayaw nya akong pakinggan hindi naman kami nag  break parang naging cold Lang samin ang lahat masakit din sakin na umabot ng dalawang buwan bago nya ulit ako kausapin.

~-~

"Sorry,Ashey. Sinabi ko talaga na wag ka papasukin sa loob at dalhin ka na sa restaurant para sa surprise birthday ko sayo!"sagot ko sa kanya

"Lahat ng nakita mo ay hindi ko ginusto,hindi ko nga alam kong paano nakapasok si Nicole sa condo natin!"dagdag ko pa pero hindi lang sya sumagot.

"I'll do my best Ashey para bigyan mo ako ng chance na ibalik ang dating tayo"

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin naramdaman ko ang pag patak  ng luha nya sa damit ko.

Tss!pinaiyak ko na naman sya..

Ibinalik ko nalang ang yakap sa kanya at pinunasan ang luha nya.

ASHEY YNA POV

Ano ang gagawin ko pag binalikan ko si Ken?nasasaktan si Axel, but I still love Ken.

Me And My Four Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon