CHAPTER 7

1.4K 64 0
                                    


Seina's POV

Hindi ko alam kung ano ang gagawin o magiging reaction ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ni hindi man lang to ilayo ang mukha nya.

Napakalakas ng tibok ng puso ko na parang tinagambol sa hindi ko malamang kadahilanan.

Nakita ko sa mata nya na nakatingin parin ito sa labi ko kaya wala sa sariling binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko. Tumikhim ako para itago ang pagkailang ko sa titig nya.

"A-Ahm.. may kailangan ka?"tanong ko rito na ngayon ay nakalayo narin sakin. Sa wakas!

Narinig ko naman ang pagtikhim nya. "Follow me."

Tumingin ako sa kanya na naglalakad na patungo sa isang sulok. Kahit man naguguluhan ay sinunod ko ang utos nya at natagpuan ko na lang na nakaupo na ako sa isang bakanteng upuan at kaharap ang dalawang lalaki.

"Introduce yourselves."anang baritonong boses ng lalaking sinundan ko.

Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan nya at nakita ko lang sya kaninang umaga na bigla na lang nawala na parang bula.

"I'm Jefferson Alubfa. Just call me Jeff for short."nakangiting pagpapakilala ng lalaking hanggang balikat ang buhok.

"I'm Robert Loyen."saad naman ng lalaking nakatingin sa sahig.

Napabuga ako ng hangin at nagsalita din. "Seina."

Nakita ko namang tinaasan ako ng isang kilay ng katabi kong lalaki.

"That's it?"

Ako naman ang tumaas ang kilay dahil sa tanong nya. "Anong 'That's it'?"

"You don't have a last name?"tanong nya na nakatitig sakin.

"Oh bakit? Pangalan ko naman yun ah."

"I want a FULL name."masama ang titig na saad nito.

Inikutan ko na lang ito ng dalawang mata ko. Nakakainis! Pwede naman sigurong pangalan ko lang diba? Ano naman ang gagawin nya sa huling pangalan ko? Tss.

"Do you hear me? Or you me to repeat of what I said."saad nya na sigurado akong nagtitimpi na ito sa galit.

"Tss. Sevilla."sagot ko at pinagkrus ang braso sa dibdib ko habang nakasandal sa upuan.

"Are you 'Tss' in me?"taas kilay na tanong nya.

"Ah no, you want me to repeat of what I said?"satkastiko na tanong ko na ginaya ang sinabi nya sakin kanina.

"You want to die, woman?"anya na parang nauubusan na ng pasensya.

Taas noo ko itong sinalubong ang tingin nya na binalewala ko lang ang masamang tingin nitong parang papatay.

"I already die, jerk."saad ko.

Nakita ko naman ang pagtiim baga nya pero bago pa sya makapagsalita ay sumingit na ang dalawang kasama namin na tahimik lang na nakikinig sa pag aargumento naming dalawa.

"Woah, that's enough dude."sita samin ni Jeff.

"Are we going to start?"tanong naman ni Robert.

Sinamaan muna ako ng tingin itong katabi ko na ganun din ang ginawa ko. Kala naman nya parang sya lang ang may kayang tumingin ng ganung tingin.

Ipinaliwanag nitong bwisit na katabi ko kung ano daw ang gagawin. Mamimili lang daw kami ng armas at sisimulan na ang hensayo. Naiikot ko na lang ang dalawa kong mata na hindi nya napapansin habang nagsasalita sya.

Nasa harapan na kami ngayon ng armas at mamimili na lang ang gagawin namin. Nakakita naman ako ng parang katana naman ni Zoro kaya ngingiti ngiti ako g kinuha yun.

I Got Reincarnated As A God [LIGHT]Where stories live. Discover now