CHAPTER 20

1K 59 0
                                    

Amber's POV

Kalalabas lang namin sa isang tindahan para bumili ng damit. Ang ibig kong sabihin, ako lang pala dahil napakatipid ng mga kasama ko na akala mo naman hindi mga mayayaman.

Nagpunta lang naman kami dito para magsaya at para narin maalis sa isipan namin kung ano ang problemang dalda namin. Well isa lang naman ang problema ko..

Yun ay si Seina.

Kanina ko pa ito napapansin na parang inaantok na. Hikab ng hikab sabay kusot ng mata kaya pinagalitan at ilang beses na syang pinagalitan ni Lincoln.

Kami naman ay tinukso ito dahil sa pagsasabi nya ng 'stop acting like a cute' kaya walang sawang tinukso sya ni Kieran, Orpheus at Luther pero ang mas malala ay si Draco. Muntikan pa ngang magsapakan ang dalawa at mamaya ko na lang sila paparusahan.

Lagi namang tahimik si Zion na minsan lang magsalita kung kakausapin o tatanungin. Ito nang si Seina ay parang walang pakielam sa mundo. Katabi ko ngayon si Thana at si Seina ang mga lalaki naman ay nasa likuran.

Patingin-tingin kami sa mga tindahan at pagmay nagustuhan ay bibili. Pinaghahawal lang namin ang lalaki na tagsasampo ang hawak nilang plastic bag.

Napagdesisyunan naman naming umuwi na dahil pagod na kami at magdidilim na din.

Pero sa paglalakad ay napatigil kami ng makita namin si Nicole na nakatayo sa harapan namin habang nakakrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib-kung meron na nakataas ang isang kilay. Kasama ang dalawang alipores nito.

"Oh? Kita mo nga naman ang pagkakataon."nakangising anya at tumingin kay Seina. "Ilang beses mo na nga ba ako kinalaban, huh? Dati na kitang gustong patayin pero ang lakas mo namang sagut sagutin kami. Sino ka ba sa inaakala mo? Tandaan mo isa ka lang tao!"anito.

Nagtataka namang tumingin ako kay Seina na hindi man lang makaramdam na may sumisigaw sa kanya. Humikab ito at kinusot ang dalawang mata.

"Tapos ka na? Pwede na kaming umalis?"inaantok na tanong nya. "Kung tapos ka ng ngumawa dyan, pwede bang tumabi ka dahil pagod na kami at kailangan namin ng pahinga at hindi ngawa."walang kabuhay buhay na saad nito. Sumulyap ito samin na inaantok ang mata. "Tara na."

Nauna na itong naglakad pero napatigil ng harangin sya ni Nicole.

"Problema mo bang babae ka?!"sigaw ko dito.

"Ano bang kailangan mo, Nicole?"tanong ni Orpheus.

"Wag kayong makielam!'malakas na sigaw nito dahilan para mapatingin samin ang ibang dumadaan. "Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng to! Pinagbibigyan lang kitang sagut sagutin ako dahil alam kong wala kang laban! Pero ngayong nasa labas tayo ng paaralan.."nakangising anya. "Magdasal ka na!"

"Too bad."maikling wika ni Seina. "I'm not praying for just my damn life, bith."

Lumapad ang ngisi ni Nicole. Akmang magsasalita ako para patigilin ito ng mabilis na lumipad ang kamao ni Nicole sa pisngi ni Seina dahilan para mapaupo ito sa sahig.

"Seina!"naalarma kaming lahat dahil sa ginawa nito.

Lalapit na sana kami ng tumaas ang kamay ni Seina.

"Don't."saad nya na parang wala lang ang suntok sa mukha nya. Nakita kong may bitak sa gilid ng labi nya.

"Ano bang pinagsasabi mo?! May papasuntok ka na lang sa bruhang yan?!"sigaw sa kanya ni Thana.

"Wag kayong makielam."kalmadong wika nito.

"Huh?! Wag makielam?! Hindi na--"napatigil na lang ako sa pagsasalita ng biglang may lumitaw na Velorise sa harapan namin. Madami ang mga to dahilan para magkagulo ang mga taong nasa paligid.

I Got Reincarnated As A God [LIGHT]Where stories live. Discover now