Chapter 5

337 40 14
                                    

Umiyak na naman ako paggising. Tiningnan ko ang orasan: alas-dos y medya.

Ang sikip ng dibdib ko, takte.

Nakahawak lang ako sa mga kamay ko, naiinis kung bakit ko siya nabitawan. Napakagat ako sa labi habang humahagulgol dahil naalala ko pa rin ang lahat—mula sa unang araw na nag-mall kami hanggang sa kahapon na pumunta kaming amusement park.

Padagdag nang padagdag ang mga masasayang alaala . . .

At padagdag din nang padagdag ang mga alaala ng huling sandali naming dalawa.

Ang masaklap . . .

Ako lang ang nakakaalala.

Takte.


Kian: Uy, okay na yung banner para mamaya. Tinapos namin para bukas setup na lang. Anong oras mo siya iuuwi sa kanila?


Ayan na naman 'yong notification kaya nag-reply ako. Katulad pa rin no'ng una.

Alam kong hindi niya matatandaan ang pangako ko na dadalhin ko siya sa beach susunod, pero doon ko pa rin siya balak dalhin ngayon para makakita kami ng mga stars na gusto niya makita sa gabi. Nang nag-online ako para i-chat siya sana, nagulat akong online siya.


Humphrey: wu? Bat gising ka pa? 2:30 na

Irene: A hehe wala lang. Are you safe? San ka?

Humphrey: O naman. Nagising lang ako

Irene: video call pls bb wu


Pagkakita ko n'on, pinindot ko na kaagad ' yong video call button. Sinagot naman niya agad. Ayun siya, nakapahinga ang pisngi niya sa unan.

"'Wag naman masyado maganda. Nasisilaw ako," tukso ko.

"Asuuuuus! Ikaw na diyan, tingin pa lang, willing na ako magtanggal ng damit."

Natawa ako siyempre. "Irene seductive goddess."

"Humphrey mambobola of the decade. Hmph!" pa-cute niyang sinabi. "Anyway, ba't di ka pa tulog?"

"Nagising nga ako. Maya-maya siguro. Nga pala . . . gusto mong mag-beach ngayon?"

"Woah! Bakit ang random? As in today? As in later?"

Napangiti ako nang naramdaman ko ang excitement sa kanya. "Oo. Wala lang. Naisip ko lang na huling punta pa natin ng beach two years ago pa. Stressed ako. Parang okay rin makarinig ng dagat ngayon."

"Siyempre payag ako diyan! Kaso di mo ako nasabihan. Di ako nakapagbikini wax."

"Sige, puwede namang—"

"Ito naman! Okay lang. Wait, maghahanda na ako—teka! Anong oras tayo aalis?"

"Kaya ko ang Zambales ng four hours. May Waze naman. Kung di ko alam, magtanong-tanong na lang tayo. Mga . . . seven?"

Tumili si Irene sa phone. "Gawin na nating mga six!"

"Di naman halatang excited ka?"

"Anong nakain mo? Bigla kang nag-aaya ritong mag-beach."

"Nagkape lang naman ako," sagot ko.

"Salamat sa kape na 'yan!" tuwang-tuwa niyang banggit. Napangiti ako dahil na-i-imagine ko siya. "Oh my gosh, oh my gosh! Sige, sige! Mag-aayos na ako. Bili tayo ng barbeque sa palengke later! Dalhin ko grill! Then . . . ano pa? My gosh. Feeling ko di na ako makakatulog nito. Teka, may salbabida ka ba?"

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon