Chapter 4

382 48 34
                                    

Humagulgol ako pagkagising.

Ganito pala ang magiging pakiramdam ko araw-araw. Paulit-ulit siyang mawawala sa 'kin.

Pero hindi.

Kakayanin ko 'to.

Humagulgol ako dahil kahit alam kong makakasama ko naman siya sa susunod na araw, hindi na mangyayari na makakatulog siya sa tabi ko at nasa tabi ko naman siya paggising. Ang masaklap, naaalala ko ang lahat ng nangyari—kung paano kaming parang mga tanga sa ice skating rink, kung paano niya ipinagmayabang na mas magaling siya sa 'kin mag-bowling, kung pa'no ko na-next nang tumunog ang "Huling Sayaw," kung pa'no naubos ang arcade coins kakapilit naming kuhanin 'yong stuffed toy, at kung pa'no niya ako pinilian ng white T-shirt at pink pants para mapartneran 'yong pink dress na pinili niya.

Lahat.

Napagtanto kong mas lalo akong nanabik sa kanya.

Ala-una ng umaga nang magising ako ngayon. No'ng unang araw, alas dos. Ibig sabihin, puwedeng kahit anong oras ako magising, at kahit anong puwedeng oras matapos ang araw.

"Hindi naman parehas ng katapusan—" bulong ko sa hangin. Pero nang napagtanto ko kung anong "katapusan" 'yon, napatigil ako. Iniba ko ang daloy ng araw, malamang na maiiba ang mga pangyayari. Pero katulad nga ng sinabi sa 'kin, parehas ng katapusan.

Ibig sabihin kahit sa'n ko siya dalhin . . .

Kahit anong pag-iingat . . .

Mawawala at mawawala siya sa 'kin.

"Kaya mo 'yan," bulong ko sa sarili ko habang tinatapik ang dibdib ko.

Maya-maya, nakatanggap ako ng chat mula kay Kian.


Kian: Uy, okay na yung banner para mamaya. Tinapos namin para bukas setup na lang. Anong oras mo siya iuuwi sa kanila?


Katulad pa rin ng dati. Pero katulad kahapon—o 'yong unang araw, iibahin ko ulit.


Humphrey: Bukas na lang, para Sunday.

Kian: Ha? Alam nina tito at tita na ngayon di ba?

Humphrey: Gusto ko munang dalhin si Irene sa ibang lugar ngayon.

Kian: E bakit di na lang iyon ang ipagpabukas mo?

Humphrey: Nakakutob. Nahalata kasi nakita yung text mo.

Kian: Sabi ko ingat sa mga kinikilos at madaling makakutob yon e. Naudlot tuloy ng isa pang araw. Sige. Ikaw magsabi kina tita. Matutulog na ko. Text na lang ng plano bukas.

Kian: At idelete mo to. Baka makita na naman niya mamaya.


Naisip ko tuloy kung bukas—o pagkagising ko pagtapos ng araw na 'to, malalaman ko kung ito ba ang umpisa lagi. Kung matapos ang labinlimang minuto mula sa pagkagising ko, text ni Kian ang una kong matatanggap.

Bumangon ako, nagtimpla ng kape, at nagplano sa susunod naming pupuntahan. Alas dos ng umaga nang nagdesisyon akong mag-chat sa kanya.


Humphrey: Wu, alam kong tulog ka na. Wala lang. I love you.

Humphrey: Gusto mo mag amusement park? Naisip ko lang na ang tagal na natin pero di pa tayo nakakapunta sa mga ganon

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon