Chapter 8

273 35 23
                                    

Madalas, ako naman talaga ang unang nagigising. Kaya nitong mga nakaraang realidad, nagtataka ako ba't siya na ang nauuna. Kahit naman 'yong orihinal na araw, ako ang unang nagising dahil sa kaba at excitement ko sa pangyayari, pero heto.

Baka gano'n lang talaga?

Magme-message na sana ako sa kanya nang bigla siyang nag-message sa 'kin.


Irene: did u hav a good night sleep bbwu?


Nagsinungaling ako.


Humphrey: lam ko naman na paggising ko, mahal mo pa rin ako. Kaya siyempre, oo.

Irene: :')

Irene: these past few nights. they r getting worse wu

Irene: gusto ko na lang matulog na katabi ka

Humphrey: o, bakit? Alin ang getting worse?

Irene: wala, mga bangungot...

Humphrey: panong bangungot

Irene: basta. Yoko muna pagusapan, okay lang?

Irene: alam mo naman kung gaano ako kapamahiin e

Humphrey: anong pamahiin?

Humphrey: o sige, di na kita kukulitin. Basta nandito ako okay? Kung pwede nga lang na kasama ka pagtulog

Irene: sana nga...paggising ko...katabi na lang kita

Humphrey: sana nga.

Humphrey: san mo gusto?

Irene: Kahit saan...basta makakasama kita nang matagal.

Irene: yung makakasama kita hanggang bukas.

Irene: hanggang forever.

Irene: pwede ba yon? ☹


Gusto ko rin sana, pero ang totoo . . .


Humphrey: :)

Humphrey: I'll go wherever you want to go.


Hindi naman kami papayagan ng langit.

Nagbuntonghininga ako at naghanda. Basta aalis kami—iyan ang nasa isip ko. Hindi tulad no'ng ibang mga realidad na may plano akong puntahan, ngayon e kung saan na lang siguro dalhin ng mga paa. Okay lang naman . . . siguro.

Kahit saan naman kasi kami magpunta . . .

Alam kong may dulo.

Nag-research muna ako ng gagawin, at sakto namang may nakita akong play sa feed ko ng Dead Stars. Romance siguro 'to base sa poster? Narinig ko na, pero hindi ko kasi alam ang kuwento. Mga estudyante pa ang gaganap—baka thesis nila? Ginagawang thesis ba sa theater arts 'to? Malay. Pero, 'ge, click lang. New experience.

Hindi ako mahilig sa mga play, pero baka si Irene, magustuhan 'to. Sa mga ganito nga lang, madalas, fully booked bago ang event, e. Kaya nag-message muna ako sa page at nagtanong kung may seats pa sila dahil ang post nila kahapon e "Few seats left! Grab your tickets now!" Ni-research ko nga 'yong lugar. Hindi rin naman gano'n kalakihan 'yong panuoran dahil hindi talaga gano'n 'yong tulad ng sa mall. Mini-theater, kumbaga.

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon