Chapter 2

15 3 1
                                    

Roy's pov

"Let's go we're lateee." Selina said and ran away. Susunod na sana ako sa kanya pero pinigilan ako ni Selena.

"Pabayaan mo lang yon, ang taas pa kaya ng oras. Mag lakad lang tayo." Sabi nya habang hinawakan ang aking braso.

Pagpasok namin ng building hindi nya parin binibitawan ang aking braso. Weird right, we just met and she's holding me as if we're close.

Pagpasok namin sa classroom bigla lang siyang tumawa kaya tumawa nalang din ako.

Tatabi sana ako kay Selina pero inunahan ako ni Selena, kaya wala akong choice kung hindi umupo sa tabi ni Selena, that was the only chair available.

Since bago lang ako dito sinadya ko talagang hindi makinig sa lessons di ko din naman maintindihan kase 2 weeks ago pa nag start ang class dito sa school nila Selina.

Snack time na lumipat muna ako sa upuan ni Selena kase umalis siya, pero nag taka ako kase hindi ako pinapansin ni Selina.

Isusubo niya na sana yung isang piraso ng biscuit pero hinawakan ko ang kamay nya at sinubo ang biscuit sa bunganga ko. Ngumiti lamang ako sa kanya pero umalis lang siya palabas ng room. Susundan ko sana siya pero hinarangan ako si Selena.

"Kain tayo, binilhan kita ng biscuit." Sabi nya habang naka ngiti sakin.

"Uhh.. no thanks, I don't like that biscuit. Sorry." Sabi ko at umaktong umalis pero pinigilan nya naman ako.

"Pero ito din yung kinain ni Selina kanina ah." Ngumiti lang ako at tinanggap nalang yon.

Dismissal na and I'm still looking for Selina, she didn't attend our afternoon classes. Nagpahatid muna ako sa driver namin sa bahay nila Selina.

"Manang naka uwi na po ba si Selina?" Sabi ko habang umi inom ng tubig.

"Opo sir kanina pang hapon. Ang dumi po kase ng uniform nya tapos umiiyak pa, hindi ko po alam anong nangyari." Sabi ni manang Cecilia.

Tumakbo ako papunta sa kwarto nya pero hindi nya ako binuksan. Hindi talaga siya lumabas sa kwarto nya. It's almost 9pm, pero hindi parin siya lumabas. Uuwi na sana ako pero biglang bumukas ang pintuan nya.

"I'm hungry." Sabi nya habang umiiyak. Ang cute hahaha. I told manang Cecilia to prepare foods, at ihatid nalang sa kwarto ni Selina. Sinamahan ko siyang kumain, at napansin ko na ang tamlay nya.

"Are you okay? Did something happen?" Hindi nya ako sinagot at naka tulala lang siya. Umuwi nalang ako dahil inaantok na ako.

The next day nauna na si Selina sakin sa school. The whole day wala siyang pinapansin sa school kahit si Selena.

Malapit na mag dismissal, pero biglang bumuhos ang malakas na ulan. I expected our driver outside, but wala siya.

Maya-maya i recive a text from our driver

Manong driver: sir, sorry po kase nasa ospital yung anak ko sir, walang bantay. Sinabihan ko na po ang papa nyo sir, sabi nya kanila maam Selina nalang po daw kayo sasabay.

Hinanap ko agad si Selina pero tinawag nya na ako

"Hey! Sabi ni dad sa inyo daw muna ako sasabay kase umuwi yung driver namin eh." Sabi nya habag may tinatype sa kanyang cellphone. "Patay! Pwede maki text? My phone ran out of battery eh."

"Wala akong load.." tiningnan nya lang ako habang naka taas ang kilay nya. "And isa pa my driver told me na sasabay lang daw ako sa inyo, kase nasa ospital ang anak nya.

"What?! So paano tayo makakauwi." Nag tataka nyang tanong sakin habang naka taas ang dalawa nyang kamay.

"Comute?" Sa totoo lang hindi ako marunong mag comute..

"But it's raining? Do you have an umbrella?" Umiling lamang ako. "What!?"

"Nakaligo kana ng ulan?" Umiling siya. "Gusto mo maligo nalang tayo? I think it's fun."

"Ayaw ko mabas-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin nya at hinila nalang siya palabas. "Hey! Are you crazy?!"

"Yes I think I am." Crazy when I'm with you..

We played tag in our school fields. I was happy seeing her wearing her widest and prettiest smile.

"Pst! Sino yan? Bakit kayo nagpapaulan?" Narinig namin ang sigaw ng p.e teacher namin. Hindi kami nag dalawang isip at tumakbo papunta sa isang garden sa school na ngayon ko lang nakita.

Selina's pov

Narinig namin ang sigaw ng p.e teacher namin. At hindi ako nag dalawang isip na hatakin palayo si Roy. Na padpad kami sa iyang patago na garden, I don't know this is still part of the school.

"That was funnn! Let's do it againnn!" Masayang sigaw ko habang hinihila pataas ang kamay ni Roy. Hindi siya naka pag salita at nakatingin lang sa kamay namin. "Hey! Mag mo lagyan ng malisya ang paghawak ko sa kamay mo."

"What?! Ano ka sineswerte? May iba kaya akong gusto." Depensa nya sa sarili nya.

"Tara uwi na tayo." Sabi ko habang hinihila sila kung saan maraming taxi.

Dumating na kami sa bahay namin. Humingi din kami ng paumanhin sa taxi driver dahil nabasa konte and kanyang mga upuan.

"Nako anong nangyari sa inyo! Mukha kayong mga basang sisiw." Sabi ni manang Cecilia.

"Anong mukhang basang sisiw manang? Basa na nga kami eh HAHAHA." Biro ni Roy kay manang.

"Magbihis muna kayo bago dumating ang mga magulang nyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni manang tumakbo agad ako sa kwarto ko para makapag ligo.

Kumatok si manang sa kwarto nakita ko si Roy na nakabihis na din ng maayos. Sabay na kaming bumaba at nakita ang mga magulang namin sa dinning table.

"Both of you looks ko great together!" Maarteng sabi ng mom ni Roy. Yan naman palagi sinasabi nya eh. Ngumiti lang ako ng hilaw at tumabi kay mom, umupo din si Roy sa harap ko tabi ng mom nya.

As usual topic naman nila is about business hays.

May sumipa naman sa paa ko kaya napatingin naman ako kay Roy, sumenyas naman siya na lumabas.

Nakita ko siya sa garden namin naka upo sa wooden bench. Umupo ako sa tabi nya.

Tinitigan nya lang ako the whole time. Weird. "Ano?" Mataray na sabi ko.

Tinitigan nya parin ako hanggang finally nag salita na din siya. "Pwede pa copya sa math?" Kumunot ang noo ko sa sabi nya. I thought he was about to say something serious!

"What?! Yun lang?" Biglang lumiwanag ang kanyang mukha.

"Pwede sa lahat nalang na subjects pa copya?" Sabi nya habang naka ngiti. What?! Tumango nalang ako at kinuha ang bag ko sa kwarto, habang tanaw na tanaw ko siya sa labas ng bintana ko. Inu-untog ang sarili sa poste. Parang tanga.

Bumaba ako at binigay sa kanya lahat ng assignments ko, tinapos ko kase yun lahat sa room kanina.

"Snaol good student." Sabi nya habang tinitingnan ang assignments ko. Tiningnan nya ang pinakalikod na page ng notebook ko at nakita doon ang pangalan nya. Tinitigan nya lang ako with a teasing smile. "Ikaw ha. May tinatago ka pala."

"Kung tinatago ko yan hindi sana kita pinahiram saking notebooks." Tumayo lang siya at nilagpasan ako.

"You can write my name wherever you want, wag lang sa death note." Humarap ulit siya sakin. "I also write your name at my notebook. Mas madami nga lang."

___

Jar of Hearts Where stories live. Discover now