Kabanata 9

107 9 2
                                    

I dedicate this chapter ISecretLady ISecretLady my first reader who add my story on her reading list, ily!
________________________________________________

"Wait.. eto! Dito building namin, una nako guys! Good luck for our first day!"

Naunang mangiwan si Audrey saaming anim ng makita ang malaking karatula sa labas ng building nila, ang bachelor of science and business administration. Business management kasi ang kinuha niyang course, balak yatang mag negosyo.

Nag kaniya kaniya na kami ng daan na tinahak pagkarating sa tapat ng rebulto ng may ari ng paaralan. Si Carina, pol science ang course, si Megan HRM, hotel and restaurant management. Si Naomi, fine arts yata, di ako sure. Si Nathalie mag ve-vet naman kaya nag bachelor of science and veterinarian, pareho sila ng building ni Audrey kaya mabilis itong sumunod ng marealize na pareho lang sila ng course. Nag sama pa talaga ang parehong maingay.

Ako? diko alam e, charot! Sa Archi department ako, bachelor of science and architecture. Kung tama ako, pareho lang ang building ng Archi at engineer department kaya di ako mag tataka kung makakasalubong ko si Liam dito, baka mag karon pa kami ng parehong subject. Pero pwede rin namang hindi dahil 3rd year na siya habang first year palang ako.

I check my ID first if maayos ba siyang nakasabit sa leeg ko bago ako pumasok sa building namin, ang daming tao! Mga nag hahanap rin ng kaniya kaniya nilang mga classroom. I am wearing my usual outfit, high waisted denim jeans, black tank top and white sneakers, nakasukbit ang bag sa balikat. Nailagay na namin yung mga gamit namin sa locker room noong nakaraan pang linggo.

Dalawa ang locker room ng bawat estudyante dito, isa sa building kung saan ang course mo at ang isa naman ay sa training room ng sports na sinalihan mo. Dahil Volleyball varsity ang sinalihan ko nasa gymnasium ang isa naming locker, nandun na ang gym bag ko together with my sports attire. Yung locker naman dito sa building ay puro books ang laman. Mabigat kasi kung dadalhin ko pa bawat subject.

Biglang may nag takip ng mata ko, impit akong napatili kaya bahagya siyang natawa. Tawa palang kilala ko na!

"What the hell Liam!"

Hinampas ko ang kamay niyang nasa mata ko pero mabilis niya yung naiwas kaya ang kinalabasan ay mukha ko ang nahampas ko.

"Aw!"

"Shit, Im sorry!"

Pumunta siya sa harapan ko, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at sinuri ang noo ko na natampal ko ng malakas, sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na kinurot ang tiyan.

"Ouch. " Ngumiwi siya ng bahagya. Nabitawan ko rin naman siya agad dahil matigas yung nakurot ko! Damn this man, may abs!

Ngumisi siya pagkaraan ng makita ang itsura ko, "A huh, you did it on purpose.''

Inirapan ko siya at nilagpasan, pagtripan ba naman ako?!

Napahinto agad ako sa paglalakad ng makita ang tingin ng mga tao, halos lahat nasaamin ang atensyon! Nakalimutan na yata na nag hahanap sila ng mga classrooms nila. Nakalimutan ko rin pala na sikat ang lalakeng to dito, ngayun nakaagaw pa kami ng atensyon! Malamang kilala siya ng mga yan dahil ilang taon na siyang dito nag aaral at sa mismong building nato! Anak ng.

"Let's go, I'll take you to your room, I already saw your name over there." Hinawakan ni Liam ang siko ko para maigaya ako sa paglalakad.

Pinilit ko ang sarili na wag pansinin ang mga mata at mga pag singhap sa paligid namin, ngayun lang naman siguro to dahil unang araw palang tyaka wala naman kaming ginagawang masama! We're friends and that's it! Nothing more and nothing else.

Chasing Dreams Where stories live. Discover now