Kabanata 20

106 1 0
                                    

Kahit papaano tinupad ni Liam ang pangako niya, mas dumami ang bilang ng mga araw ng pag kikita naming dalawa, yun nga lang, palagi siyang nag mamadali. Laging may tumatawag sakaniya, naririnig ko naman na tungkol yon sa trabaho.

Oo alam kong balang araw si Liam na ang totoong mamamahala ng kumpanya nila pero ang hindi ko maintindihan bakit parang sobrang bigat naman yata ng mga proyektong ibinibigay sakaniya, na halos kainin na ang lahat ng oras niya. Nakakatulog pa ba si Liam ng maayos?

Nag aalala na ako para sakaniya.

Mag isa nanaman ako sa apartment dahil busy sila Megan at Nathalie sa kaniya kaniyang course, halos hindi narin naman kami nag papang abot dito sa bahay dahil palaging nag kakasalisi. Kaya napairap ako ng marinig kong may kumakatok.

I close my eyes in irritation.

Sino nanamang tanga ang nakaiwan ng susi para kumatok pa? Binitawan ko ang hawak hawak na ruler tyaka tumayo, gumagawa kasi ako ng plates ngayon. Nag suot ako ng tsinelas bago nag punta ng pintuan.

"Buti nalang wala akong lakad ngayo-" nagulat ako ng iba ang bumungad saakin.

"Liam?"

Nagulat ako, wala kaming usapan na mag kikita ngayon, ang alam ko busy siya sa buong linggo.

He looks tired. Ngumiti siya saakin.

"Can I come in?" He's still smiling kahit halata sa itsura niya ang stress at pagod.

"Y-yeah sure," I stutter, kinakabahan ako. Did something bad happened to his work or did he failed or something? But I think he would never fail.

Pinapasok ko siya sa loob, itinabi ko ang ibang kalat bago siya paupuin sa sofa.

"Do you want something?" I asked him, I'm still standing. "Want me to make you a coffee? Or juice, water... Oh, wait I'll get you a drink."

Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Nahigit niya ako paupo sa tabi niya, hindi pa siya nakontento. Sa mismong hita niya ako pinaupo.

Tumagilid ako para maharap ko siya at makita ang kabuohan ng mukha niya. He really looks tired.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "You okay? What's the matter?"

Bumuntong hininga siya, naka kunot ang noo ko habang pinag mamasdan siya.

"Can i stay?" He still manage to smile. "Just for tonight."

Nakagat ko ang labi ko, he can stay here wala namang kaso yon but we don't have privacy here. Anytime soon uuwi ang mga kaibigan ko at hindi ko alam kung makakabuti ba yon sa problema ngayon ni Liam lalo na maiingay ang mga yon.

"Or let's stay sa place mo?" Suggestion ko. "I'll stay there for a week."

Lumiwanag ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Lumapit ako sakaniya at hinalikan ang labi niya.

Nakita kong napapikit si Liam dahil sa ginawa ko, naramdaman ko din ang bigat ng pag hinga niya.

"I am so in love with you, Mandy."

Me too.

Nag impake ako ng damit, sakto lang para sa isang linggo, pati mga undergarments at important toiletries ko. Dinala ko din ang hindi ko pa natatapos na plates.

Pagkatapos kong masiguro na okay na lahat ay tyaka kami umalis ng apartment. Nag chat nalang ako kay Megan at Nathalie para alam nilang mawawala ako ng isang linggo or maybe more than a week.

Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na bumisita ako sa tinitirhan ni Liam. Wala namang pinag bago at mukha pangang walang nakatira dahil sa linis at ayos ng mga gamit. Parang hindi nagagalaw.

Chasing Dreams Where stories live. Discover now