Kabanata 1

542K 10.5K 729
                                    

"Nasa akin na ang project niyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nasa akin na ang project niyo.” Aniya ni ma’am pagkapasok na pagkapasok sa classroom namin. Binuksan ni ma’am ‘yong medyo makapal na folder atsaka kinuha ang mga papel.

Natahimik kami bigla. Tanging ang paghinga lamang namin ang naririnig ko at sa tingin ko maririnig ko rin ang pagtibok ng puso ko. Halatang kinakabahan sila—ay hindi, kinakabahan talaga kami. Mahirap nanaman ba ang project namin para sa semestre na ‘to? Mabubutas nanaman ba ang mga bulsa namin at aagiwin ang mga wallet? Ang hirap talagang maging Culinary student, paunahan maubos ang pera.

Nagsimula ng ipamigay ni ma’am ang mga papel. “Ang proyektong ito ay para na sa lahat ng subject niyo. Pagbutihan niyo, maliwanag ba?”

Tumango kami bilang sagot.

Kinakailangan ko na sigurong maghanap ng isa pang trabaho dahil sigurado ako na mabubutas talaga ang wallet at bulsa ko. Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si ma’am. Tiningnan niya muna ako bago ibigay sa akin ang papel. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang panginginig ng kamay ng propesor namin sobrang higpit din ng pagkakahawak niya sa mga papel.

“Okay ka lang po ba ma’am?” tanong ko. Tinago ni ma’am ang kaliwang kanang kamay kamay sa likuran niya. Nakangiting tumango si ma’am atsaka ako tinalikuran.

Kumunot ang noo ko. Bakit nanginginig ang mga kamay niya? Bahala na nga, okay naman daw siya. Nagkibit balikat na lang ako. Sinimulan ko ng basahin ang nakasulat sa papel. Una kong nakita ang pangalan ko sa itaas na bahagi ng papel at kasunod nito ay ang section namin. Muntik ng magdugtong ang kilay ko ng mabasa ko kung ano ang magiging proyekto namin.

Stalkiing, iyan ang nakasulat sa papel. Nilapit ko sa mukha ko ang papel baka kasi nagkamali lang ako ng basa medyo malabo pa naman ang mata ko. Akala ko ay namamalikmata lang ako pero hindi, stalking talaga ang nakasulat.

“Naatasan kayong subaybayan at alamin ang buhay ng taong nakaatas sa’yo. Iba’t-ibang klase ng tao na namumuhay sa mundo. Hindi ka pwedeng umayaw sa proyektong ito dahil ito ang magiging basehan namin kung makakakapagtapos ka ba o hindi---ano daw? Anong klaseng project ‘to?”

Bakit ganito ang project namin? Teka project ba talaga ‘to? Kasi parang hindi. Ang inaasahan kong proyekto ay magkakaroon kami ng expo at kami ang magluluto ng mga ibebenta namin o hindi kaya ay magtatayo kami ng parang maliit na kainan dito sa loob ng campus. Iginala ko ang aking tingin, kung ano ang naging reaksyon ko ay ganun din ang sa kanila. Gulat, pagtataka at inis ‘yan ang nakita ko mga mukha ng kaklase ko. Sinong hindi magugulat at magtataka? Anong klaseng proyekto ang pinapagawa sa amin?

Sinundan ko ng tingin si ma’am na pabalik na sa harapan. Kitang-kita ko pa din ang panginginig ng mga kamay niya.

“Sa ikalawang pahina ng papel ninyo malalaman kung sino ang taong inatas sa inyo.”

Nakakunot ang noo ko ng ilipat ko sa ikalawang pahina ng papel. Harris Tucker Smith, ‘yan ang nakasulat sa papel. Sino naman ito?

“Ma’am, ito po ba talaga ang magiging proyekto namin? Parang hindi naman kasi makatarungan. Culinary student kami at hindi secret agents. Nasaan ang hustisya?” Aniya ng class president namin.

Tama siya, culinary student kami at malayo sa kursong kinuha namin ang proyektong pinapagawa niya.

“Wala na akong magagawa dahil hindi naman ako ang nag-isip ng proyektong ito. Galing sa dean ang papel na hawak niyo ibig sabihin ay wala na akong karapatan na ibahin ang pinapagawa sa inyo. Maski ako ay hindi nagustuhan ang naging desisyon ng dean.”

Mas gugustuhin ko pang maubos ang inipon kong pera para sa pagluluto kaysa sa gawin ang proyektong ito. Hindi kaya sinapian ang dean namin kaya pinagawa ito sa amin? Anong pumasok sa isip niya para ipagawa sa amin ang proyektong ito? Padabog kong nilapag sa lamesa ang papel.

“Pwede po bang huwag na lang gawin ang project na ‘to?” Tanong ko. Alam ko naman ang magiging sagot ni ma’am dahil nakasulat na mismo sa papel na hindi pwedeng umayaw.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay nginitian niya lang ako. Bumuntong hininga ako. Mukhang wala na talaga kaming magagawa. Dalawang buwan na lang at graduate na kami kaya wala talaga kaming ibang choice kundi ang gawin ang proyektong ito kahit labag sa loob namin.

....

Kasalukuyan akong nakatambay sa library ng campus. Nakaharap ako sa laptop ko at abala sa paghahanap sa taong nakatoka sa akin. Wala akong ideya kung sino ang Harris Tucker Smith na ‘yon kaya pagkatapos ng klase ay dumiretso ako dito. Mabuti na lang at mabilis ang wifi dito kaya hindi ako mahihirapan sa paghahanap. Pinindot ko ang search pagkatapos kong i-type ang pangalan na ‘yon. Ilang segundo lang ang hinintay at kaagad din lumabas ang pakay ko.

Nalaglag ang panga ko sa mga nabasa. Hindi siya basta-bastang tao. Laman siya ng mga balita at palagi din siyang laman ng mga usap-usapan. Isa siyang bilyonaryo at kinakatakutan ng lahat dahil sa ugali nito. Sa ibabang bahagi nakalagay ang litrato niya. Alam ko na kung bakit palaging may issue ang lalaking ‘to. Gwapo siya, hindi ko ion maipagkakaila. Matangos ang ilong niya at sakto lang ang kapal ng kilay niya na siiyang bumagay sa mapungay niyang mata idagdag pa ang kaputian niya. Napairap na lang ako. Naghanap pa ako ng makukuhanang impormasyon pero pauli-ulit lang ang mga nababasa ko at karamihan ng sites ay pribado. Napasabunot na lang ako sa sarili.

Kaunti lang ang impormasyon na nakita ko. Hindi lang ako ang naghahanap na karagdagang impormasyon tungkol sa taong ‘to, marami sila at idagdag na ako. Sumandal ako atsaka hinilot ang sentido ko. Nananakit na ang ulo ko sa mga nabasa ko. Paano ko kaya maiistalk ang lalaking ito? Mukhang mahihirapan ako dahil mayaman ‘to at sigurado ako na marami siyang bodyguard.

Ano ng gagawin ko?

Stalking The Mafia Boss (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon