Kabanata 3

370K 8K 565
                                    

[Harris Tucker Smith ↑↑↑]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Harris Tucker Smith ↑↑↑]

Sinabunutan ko ang sarili ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maalis sa isip ko ang mga nalaman at narinig ko. Hindi talaga ako makapaniwala, hindi ko inaakala na magagawa niya ang bagay na 'yon.

"Argh!" Sinubsob ko ang ulo ko sa lamesa. Hindi ako nakatulog kagabi kaya eto ako ngayon, pagod at inaantok idagdag pa ang pananakit ng ulo ko. Mabuti na lang at hindi kami pinasukan ng professor namin sa Research kung hindi ay baka mas lalong nanakit ang ulo ko.

May kumalabit sa akin pero nanatili pa din ako sa pagkamayuko sa lamesa.

"Sam? Ayos ka lang ba?"

Tinaas ko ang kamay ko at binigyan siya ng 'Okay' sign. Okay na okay lang ako kahit pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa sakit ng ulo ko.

"Mukhang walang balak pumasok ang iba nating kaklase."

Nilingon ko si Kris. Kaunti lang kami na nandirito sa silid. Sa tingin ko nga ay labing anim lang kami na pumasok, tinamad siguro sila o hindi kaya ay napagod ng sobra. Dapat pala hindi na ako pumasok, wala din naman sigurong balak ang iba naming prof na pasukan kami. Psh!

"Kain muna tayo, alam mo na. Mahirap ng pumila mamaya." Tumayo ako at ganun din ang ginawa ni Kris.

Palagi pa naman kaming naaagawan ng nga 2nd year at kami pa ang nawawalan ng upuan sa cafeteria.

Wala pang masyadong tao sa hallway ng lumabas kami. May iilan kaming nakakasalubong na mukhang galing din sa cafeteria. Pababa na sana kami ng tawagin kami ng isa sa mga professor. May bitbit siyang folder.

"Pasuyo naman, pakibigay naman 'to sa dean." Inabot niya sa akin yung folder.

Sa dean? Wrong timing naman si prof, hindi niya ba alam na badtrip ako sa dean namin? Ay teka! dumaan muna kaya ako sa kitchen lab ng makuha ko na ang rolling pin at nang mahampas ko na para magising na sa kahibangan na 'to.

"Maraming salamat." Aniya ni sir nang kuhanin ko yung folder.

Sinenyasan ko si Kris na mauna na sa cafeteria pero ang sabi niya ay sasamahan niya daw ako.

"Sabay na tayong pumunta sa cafeteria, Aabot mo lang naman 'yan." Nakangiti niyang sabi.

Ang bait talaga ng babaeng 'to, parang anghel.

Nag-uusap kami habang tinatahak ang daan papunta sa deans office. Kinuwento niya sa akin kung anong nangyari sa pagsunod niya sa taong nakatoka sa kanya. Gusto ko din sanang magkwento kaso—

"Ikaw, magkwento ka naman."

Napalunok ako. Anong ikukwento ko? Sasabihin ko sa kanya na ang taong nakatoka sa akin ay nagawang pumatay? Argh! Hindi talaga ako makapaniwala! Unang araw pa lang ng pagsubaybay namin pero eto kaagad ang bumungad sa akin.

Stalking The Mafia Boss (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon