CHAPTER 73

1.8K 60 82
                                    

Miracle Fowler's POV

Dumating ang mga pulis at alam kong sina Frixx ang nagpapunta sa kanila dito, hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Yakap yakap ko ang anak kong nawalan ng malay hawak hawak ang kamay ng daddy kong bugbog at wala ring malay ganoon na rin si Kheandra at Maliah. Agad pinusasan ang Reyna ng BDS na yakap yakap niya ang  anak niyang naghihinalo rin sa likuran ko. Pinagtulungan nilang buhatin si Daddy, Kheandra at Maliah habang nakasunod ako sa kanila habang karga karga ang anak ko hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko habang tinutulungan akong makasakay sa ambulansya.

Mabilis na narating ang hospital agad nagsilapitan ang nakaabang na mga nurse na may dala dalang stretchers at pinahiga isa isa ang mga kasama ko pati na rin ang anak ko. Nakita ko ang isang maliit ng krus sa itaas ng isang kwarto kaya napatitig ako doon.

Ano itong nangyayari sakin? Kakamatay lang ng ina ko please wag niyong hayaang magluluksa na naman ako. Hindi ko kakayanin, maniwala ka.

Naiiyak ako sa naisip ko. Napatigil lang ako ng pahintuin ako ng doctor at hindi pinahintulutang pumasok kaya naupo ako sa may upuan dito sa labas ng pinto.

"Miracle?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Frixx na mugto ang mga mata. "Ano? Kumusta?" Puno ng pag alalang tanong niya at sinisipat ang katawan ko.

"I-Im okay, pero s-sina Kheandra" nanginginig kong sabi agad nanginig ang katawan ko dahilan gumaragal ang boses ko. Yinakap naman ako ni frixx kaya napaiyak ako lalo. Nakita ko na rin si Khyrus na papalapit samin bakas sa mukha ang pinaghalo halong emosyon na tulad namin.

"Ang anak ko, yung Daddy ko ang mga kaibigan ko Frixx" humagulhol kong sabi habang yakap yakap niya ako. "Hindi ko kaya" umiiling na sabi ko.

Mabilis lumipas ang oras, pinagpawisan, kinakabahan at takot na takot naming hinintay ang balita tungkol sa mga kaibigan namin. Medyo kumalma ako ng i-anunsyo ng doctor na stable na ang anak ko pero hindi sapat yun para makahinga ako ng maluwag. Umusbong ang galit ko dahil isa sa dahilan kung bakit nanghihina ang anak ko dahil sa druga, parang hinampas ang dibdib ko sa sobrang galit na nararamdaman ko. Gusto kong sakalin si Stephanie at habang sinasakal ipakain ko ang lahat ng drogang makikita ko sa bodiga nila.

"I can't b-believe this" umiiling na wika ni Frixx ng nakapasok kami sa kwarto ng anak ko. Agad akong lumapit sa anak ko at hinawakan ang kamay niya, napaluha ako ng makita ang mga galos sa mukha niya at tamlay na tamlay ang buong katawan niya. Maya maya pa ay nagpaalam muna si Frixx para bumili ng makakain.

"F-Frost" nanginginig kong tawag habang hawak hawak parin ang kamay niya, umupo ako sa kama niya at yumuko marahan kong hinaplos ang kamay niya sa pisngi ko. "Wake up b-baby, andito na si M-Mommy" nahihirapan kong sabi, naramdaman ko ang kamay ni Khyrus na humaplos sa likod ko.

"I'm s-sorry" garagal rin ang boses na sabi niya, tiningnan ko siya at tulad ko ay umiiyak rin siya. "K-Kasalanan ko to e-eh" dagdag niya at puno ng pagsisising wika niya. "K-Kung hindi ko s-sana niligawan si-"

"D-Dont mention her name k-khyrus" malalim ang buntong hininga ko dahil biglang sumikip ang dibdib ko. "Ano man ang nangyari n-ngayon na may kinalaman sa kanya ay w-wala kang kinalaman do'n, nagmahal ka l-lang" Nagpapaintinding sabi ko, ayaw kong isipin niyang siya ang may kasalanan sa lahat ng ito dahil lang sa niligawan niya ang babaeng dahilan ng lahat ng 'to.

"K-Kung alam ko l-lang talaga" nakayukong saad niya tiningnan niya ang anak ko. Puno ng awa ang mata niya, hinaplos niya ang kamay niya sa pinsge ni Winter. "Pati b-bata nadamay" napayuko ako sa sinabi niya, pinasikip niyon ang dibdib ko. Hindi na ako umimik sabay kaming napalingon sa pinto ng bigla itong bumukas. Pumasok si Frixx.

COLLECTING VIRGINITIES [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now