CHAPTER 46

789 24 0
                                    

Frixx Zion Quarz's P.O.V



Nasa bahay kami ni Miracle ngayon mamaya pang 11 kami papasok at alas 9 pa naman ng umaga kaya may isang oras pa.

Kumakanta si Miracle habang dinuduyan ang kanyang anak sa kanyang kandungan. Gumagawa ako ng thesis kaya nakatutok ako saking loptop.

"What is that frixx? Aren't you done with that?"

Napataas ang aking tingin ng magsalita si Miracle, nakikita ko ring tulog na ang kanyang anak.

"Di pa, bakit ikaw tapos na?"

Balik kong tanong sa kanya.

"Of course, last week pa"

Saad niya, ano yang utak niya computer? Bilis naman atang natapos ng babaeng to

"Di nga?"

Di ko makapaniwalang pangumbinsi.

"Kung ayaw mong maniwala di wag! di ko na problema yan"

Sagot niya at muling itinuon ang atensyon sa pinanuod niyang palabas.

"Sasama ka ba sa Makarina resort?"

Muling baling ko.

"Hindi"

Wika niya na walang pag alinlangan.

"Kailangan mong sumama pati nga ako sasama daw sabi ni Mrs. Deyn"

"Kung gusto mong sumama edi ikaw lang, di ko na problema yan"

Napakapilosopo talaga ng babaeng to nakikipag usap na nga ako ng maayos eh.

Hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ang aking ginagawa nagbabantay si Miracle sa anak niya habang nanunuod ng palabas. Ang cheap ng pinanuod Meteor Garden amputek noong 2018 pa yan ah. Kilig na kilig naman si Miracle sa napapansin ko.

"Miracle? Titigan at tingnan mo ang ugali ni Dao Ming Si diyan katulad na katulad don sa lalaking maangas na nakita natin."

Wika ko, lumingon naman siya sakin.

"Sino naman?"

Takang tanong niya.

"Yung isa sa mga Judge sa pageant?"

Bigla namang nag iba ang mood niya. Napansin ko lang naman yung lalaki maangas at malakas ang sex appeal pero mas gwapo pa rin ako.

"Ba't mo ba binabanggit ang lalaking yun? Kahit anong gagawin niya wala siya sa kalingkingan ni Dao Ming Si! Di bagay sa kanya ang maging maangas mukha siyang kabote!"

Naggigigil niyang saad, anong nangyari sa babaeng to? Mood swing?



_




Tyrone Garcia's P.O.V


Nasa Skwelahan ako ngayon dahil pinapatawag ako ni Mrs. Deyn.

Nagkalat ang mga studyante sa buong university nagtilian naman sila ng pinarada ko pa lang ang kotse ko sa harap.

"Wahh si Mr. Tyrone"

"Ang cool niya gwapo pa"

"Hayss kailan niya kaya ako mapapansin?"

COLLECTING VIRGINITIES [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now