Chapter 15.[Day1/Explaination]

6.4K 172 8
                                    

Pam POV

Binitiwan na ako ni kian at bahagyang lumayo siya sakin pero andoon parin iyong ngiti niya habang nakatingin sakin. Ganito ba siya? Masaya na kahit alam niyang nasasaktan ko na siya? Ganito ba niya ako kamahal na handang gawin ang lahat para sa akin? Handang maghihintay sa pagmamahal ko?

Umiwas ako ng tingin.

Sana kung noon pa,Siguro ngayon masaya kami at walang pinoproblema baka nga kung nagkatuluyan man kami sa kasalukuyan siguro isang masayang pamilya na kami ngayon ni kian.

“Let’s go back in the resthouse .Medyo malamig na dito sa labas.” Sabi ni kian kaya napalingon naman ako sakanya.Medyo malamig na nga dito sa labas.

“S-ige.” Tango ko. Sabay naman kami naglakad pabalik sa resthouse.

Pagbalik namin naabutan namin ang isang matandang lalaki na nakaupo sa sofa na parang hinihintay si kian.

Bigla naman ito napatayo ng makita kami.

Saglit naman niya ako tiningnan at umiwas rin agad ng tingin sakin.

“Magandang gabi ho Senyorito kian at senyorita.” Bati nito samin at binaba pa nito ang kanyang sombrero.

“Magandang gabi naman ho mang jose. By the way. I’d like you to meet my..” napatingin naman ako agad kay kian dahil napahinto siya sa sasabihin niya kaya sa kadahilanan magtama iyong tingin namin dalawa pero ako na rin ang unang umiwas at muli binalingan si mang jose.

“Ah Hello po mang jose. I’m Pam Chua. Kian’s friend. I’m very pleased to meet you.” Nakangiti kong sabi.

“Nagagalak ko rin ho kayong makilala Senyorita. Ako nga pala si Jose Caprio ang caretaker sa resthouse ni Senyorito kian. Kasama ko ang aking asawa na si Juliana ang nag-aalaga sa bahay na ito.”

“Ganun ho ba.Nasaan po ba si Manang Juliana?”tanong ko.

“Where’s manang Juliana?”  tanong rin ni kian. “Did she already cooked?” dagdag na tanong ni kian kay mang jose. Mabuti nalang nakakaintindi tong si Mang jose. Kanina pa kasi pa English magsalita si kian. -___-

“Ah senyorito iyon nga ho iyong sadya ko kasi umuwi muna siya doon sa bahay namin.Babalik ho rin siya agad bukas ng maaga para ipaghanda kayo ng almusal at iyong hapunan niyo eh nakahanda na po sa mesa.”

Patango tango lang si kian.

“sundan niyo na po si manang Juliana.Kami na bahala rito.”

“P-ero senyorito huhugasan ko pa po iyong mga pinggan at—“

“don’t bother mang jose. Kaya na namin to. Besides,Walang kasama si Manang Juliana sa bahay ninyo.”

“Tawagan niyo nalang ho ako senyorito pag may kailangan kayo.Sige ho at tutuloy na po ako.”paalam ni mang jose at muli nito sinuot ang sombrero.

“Kumain na tayo.Pasensya ka na baka gutom ka na.” paghihingi ng paumanhin ni kian sakin.

“ikaw ba ang nagbihis sakin kian?” diretsong tanong ko habang naglalakad kami papunta sa mesa. Kanina pa kasi hindi ako makapakali sa kakaisip kung sino ang nagbihis sakin.

Tiningnan niya ako.Mula Ulo hanggang paa.

“I would love to undressed you but not now.Si manang Juliana ang nagbihis sayo. May respeto ako sayo.” May halong kamanyakan iyong sagot ni kian sakin. >___< pero napatingin ako sa kanya ng sabihin niya sakin na nirerespeto niya ako.

Nasa dining room na kami at sabay na kami umupo dalawa ni kian.Bale magkatapat kami sa mesa.Napatingin ako sa mga pagkain.Mukhang masarap iyong hinanda ni manang Juliana kaya parang ngayon ko lang naramdaman iyong gutom.

TNPR Book 2: Love will lead us BackWhere stories live. Discover now