Chapter 13.[kidnapping]

7.4K 150 4
                                    

wala kaming pasok bukas kaya eto napahaba update ko.hahaha

Please vote! lablab <3

----

Owy POV

Matapos kong asikasuhin ang mga iilang papeles kanina sa opisina ay napagdesisyonan kong umalis na sa opisina.Hindi ko pa rin natatawagan si cassy babes. Ewan ko ba bakit hindi rin nagtetext sakin o nakuhang man lang tumawag.

Papasok na ako sa elevator at pinundot ang basement button.Ilang minutong lumipas ay bumukas na ito at dumiretso na ako sa sasakyan ko.I started to switch the engine pero bigla tumunog iyong phone ko kaya dinukot ko muna ito sa bulsa dahil baka si cassy na iyong nagtext pero nagkamali ako dahil galing kay kian ang mensaheng natanggap ko.

1 message received.

Kian:Fetch me in my house at exactly 8am sharp.i’ll be waiting outside.Wear something that pam won’t recognize your identity included your buddies. We’ll go to Pam house and  after that we’ll wait for her until she shows up.In case she will bring her car then we’ll follow her and by the time she’s out,Your buddies will grab her then you’ll drop us in Rosales. Money is ready.

Pucha! Hindi ko paman nagagawa pero kinakabahan na ako sa mangyayari.Paano pag nabisto kami nito? Lagot talaga sakin ang monticillo na to! Aysh.Bahala na nga! Mautak naman ang kian nato. Sisiguroduhin ko nalang na hindi ako mabibisto ni cassy nito dahil sa oras na malaman niya ang lahat ng ito,Bugbog at pasa ang aabutin ko sa Girlfriend ko.May pagka amazona pa naman si cassy noong highschool kami.

Nagmaneho na ako paalis sa C’Wine Asia Corporation Building.Pupunta ako doon sa hideout ng mga dating kaibigan ko.Magbabasakali akong andoon pa rin sila sa dating hideout nila.kung andoon nga sila,ang tanong papayag kaya sila sa ipapagawa ko sakanila?Paano pag nagbagong buhay na pala ang mga ugok na iyon? Malaking problema to pagnakataon dahil malamang aayawan nila ang trabahong to.

Naalala ko pa noon.Ang tawag sa grupo nila ay The Black Scorpions.Madaming alam kasing kalokohan ang mga iyon.Muntik na rin ako mapasabak sa grupo nila pero hindi ko tinuloy dahil nakilala ko na noon si cassy.Naalala ko pa nga hiningi ko ang number niya agad.Sobrang bulok pa iyong style ko noon.

Napahinto ako sa tapat ng isang abandonadong garahe.Napansin ko naman medyo bukas iyong pintuan.Bumaba ako sa kotse at hinanda ang sarili ko.

“Pag hindi ako nakalabas ng buhay dito kian,Ikaw una kong mumultohin.tsss.” humakbang na ako papalapit sa hideout nila at ingat na ingat akong pumasok roon sa loob.

Napansin ko agad ang nakakalat na mga latang beer at mga plastic ng mga chichirya.

Habang papalapit na ako doon sa kwartong tinatambayan nila noon ay may naririnig na akong mga boses na nagtatawanan.

Pipihitin ko na sana iyong pintuan na biglang may dumaan sa harap ko na malaking daga!

“Pucha! Tangna dagang iyon!” napabulaslas kong sabi kaya napalakas iyong boses ko.

Pucha! Nababakla ka na ba Owy dahil lang sa malaking daga na iyon?Malaking kaduwagan! Matuturn off si Cassy kung sa daga palang takot ka na! Umayos ka dela cruz!Wag kang bakla!

“Fvcking rats!”mura ko nalang sa sarili ko.

Papasok na sana ako na may narinig akong kumasa ng baril at tinutok iyon sa ulo ko.

“Who the hell are you?!” tama nga ako. Andito pa rin ang Black scorpions. “Talk or you’ll die.” Muli naman ito nagsalita.

Tangna! Papakasalan ko pa si cassy!

TNPR Book 2: Love will lead us BackWhere stories live. Discover now