Chapter 3.[Reunited?]

11.3K 237 7
                                    

Pababa na ng hagdan si Kian bitbit ang kanyang suit case na madatnan niya ang kanyang daddy na nagbabasa ng diyaryo habang iniinom nito ang mainit na cappucino.Napansin naman siya nito at ibinaba ang binabasang diyaryo. Lumapit siya rito at naupo sa isang single couch.


"Goodmorning dad.What are you reading?" bati niya rito at inabutan siya ng kanilang katulong ng isang tasang kape.Wala na siyang oras para kumain tuwing umaga dahil lagi siyang nagmamadali para pumasok sa kanilang kompanya, ang The Monticillo Real Estate Corporation.


"So nagbalik na pala ang kaisa isang anak ni Vien na si Pam." Sabi nito.


"How did you know? Ang bilis naman kumalat ng balita tungkol sa kanyang pagbabalik dad."


"Of course. I have my own sources too.Nagkita na ba kayong dalawa?" tanong naman nito sakanya.Tumango siya at nilapag ang kanyang kape sa ibabaw ng center table.


"Yes, last night sa Crown Luxury Hotel. Dumalo rin pala si Mr. And Mrs. Chua at kasama nito si Pam. I was really shocked because i almost did not know her. She changed a lot." Pagkokomento niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa pagbabago nito.Bagamat may isang emosyon ang nangingibabaw sakanya ng mga oras na iyon. He won't deny it, deep inside he misses her.


"Pain makes people change son." alam ni Kian ang ibig sabihin ng sinabi ng kanyang ama ngunit iniwaksi nalang niya ito.Tiningnan niya ang oras sa kanyang wrist watch at kailangan na niya talagang pumasok sa opisina. Tumayo na siya.


"I have to go dad. Marami pa akong gagawin sa opisina." Paalam niya. Tumayo naman si Carlos at hinatid ang anak sa labas ng pintuan.


"Take care of your health iho.Napansin ko lately you were deeply exhausted." Paalala nito sakanya. Ngumiti naman si kian at sumakay na siya sa kotse nito.


Papunta na siya ng kanyang opisina at magalang siyang binati ng kanyang mga empleyado.Ngumiti naman siya rito.Ang ibang empleyado niyang babae ay halatang may gusto sakanya pero hindi na lang niya iyon pinapansin. Sanay na siya sa mga ganoong bagay.


Nang makita na siya ng kanyang sekretarya na si Lanie ay agad itong sumunod sakanya sa opisina.


"Goodmornng Sir Kian. Coffee po?"


"No thanks, Nag-kape na ako sa bahay. Ano ba ang schedule ko ngayong araw?" tanong ni kian kay Lanie.Agad naman tiningnan ni Lanie ang Planner book nito.


"May appointment ka po kay Mr. Lao ngayong 10:30am sa Brews Coffee shop sir.The rest wala na po. Free po kayo in the afternoon at papirmahan nalang po itong mga papeles, Galing po iyan sa accounting department. " binigay na rin ni Lanie ang isang folder at lumabas na ng opisina.


Matapos basahin at mapirmahan ni kian ang mga binigay na papeles ni Lanie sakanya ay muli itong kumatok sa kanyang opisina at pumasok.


"What is it Lanie?"


"S-ir. May bisita po kayo. Naghihintay po sila sa labas. Sinabihan ko po na hindi pwede kasi busy po kayo at ayaw ninyo nagpapaistorbo ng mga ganitong oras."

TNPR Book 2: Love will lead us BackWhere stories live. Discover now