Chapter 25❤

1.4K 38 56
                                    

Ezhy's POV

"Para kayong tanga hahaha!" sabi ko habang tumatawa na nakaturo sa kanila.

Nandito kami ngayon sa isang resort, actually ang ganda dito lalo na yung pool. Medyo excited pa nga ako lumangoy kaso tinatamad akong tumayo dito sa kinauupuan ko. May mga tao din at may mga korean pa! 'di ko alam kung san 'to pero nag eenjoy ako kase kasama ko sila. Sinong hindi mag eenjoy kung kasama ang mga kaibigan diba?!

"Lumangoy ka na kase! Ang arte mo naman! Takot ka ba mabasa? Siguro di ka naliligo 'no?! Hahaha!" pang aasar ni Candy sakin, saka, anong hindi naliligo?! Inamoy ko yung kilikili ko. Mabango naman ah! Saka naligo naman ako kanina diba? Diba? Baka nya sya 'tong 'di naliligo kase parang ngayon lang sya nakababad sa tubig.

*pout*

"Turn off kay Syxx 'yon! Nako nako, bahala ka, ikaw rin baka maturn off yun kase 'di ka naliligo" pang aasar pa ni Candy. Hindi ko alam kung pinagtitripan nyako pero ako namang 'tong uto-uto, naniwala! Kahit na alam kong naliligo naman talaga ako. Diba? Nababasa nyo naman sa mga chapter eh.

"Gaga! I searched what you said 'no! Sabi dito 'pregnant women who go swimming could be at risk of suffering a miscarriage or having a child with birth defects because of high levels of chlorine in the water' see?!" literal na nagsearch nga si Friesy na nasa tabi ko na ngayon habang pinapakita sakin yung phone nya. Pilit nyang inilalapit sa mukha ko yung phone nya hanggang sa nagdadalawa na paningin ko.

"A-aishh!"

"Ay sorry!"

"Patingen!" biglang hablot ni Candy sa phone ni Friesy.

"Marami rin namang good results ah?! Exercise pa nga daw sabi nung iba dito oh! Tara na Ezhy bilissss! Wag nga kayong naniniwala dyan!" hinila na nya kami sa tubig. Nahihimasmasan naman ako dahil nakakarelax talaga. Maganda naman 'to sa mga buntis e, loko loko ka google.



"Ano ba?! Ako nga magluluto e!"

"I will cook nga kase duh! As if you know how to luto with that thing! Hindi mo nga know kung what food ang want ni Ezhy!"

Nagtatalo na sila, nasa room na kami at kakatapos lang maligo sa pool. Nagreklamo lang ako sa kanila na gutom nako pero kung maka akto sila parang sila yung ama. Anyways, tinatry ko pa ring tawagan si Syxx pero hindi na sya sumasagot. Tinanong ko tuloy yung sarili ko. Kumain na ba sya? Okay lang ba sya? Pero bakit ko ba iniisip 'to? Anong pake ko duh. Saka bahala sya sa buhay nya.

T^T

Hindi kaya nambababae sya. Grr, subukan mo lang talagang kakaladkarin ko kayo mula bahay hanggang north pole! Naiimagine ko pa lang si Syxx na may kasamang babae parang gusto kong manabunot.

"Araaaaay!!!!" agad akong napatingin sa katabi ko ng sumigaw si Friesy, nasa tabi ko na pala sya. May dala syang lunch namin saka ko lang narealize na hawak hawak ko pala yung buhok nya kaya agad ko 'yong binitawan. Ngumiwi naman ako nung nag iyak-iyakan sya.

"I bought you your lunch na nga eh!" with pahid pisngi and mata pa 'yan. Kaya napaparoll eyes ako.

"Atittude ka girl? Oh? Ayaw mo? Ayaaaw mooo?" dagdag ni Candy habang nilalayo layo sakin yung pagkain. Natakam naman ako kaya sinusundan ko ng tingin 'yon kaya naman kumalam talaga yung tiyan ko.

"Akin na!"

"Ayaw ko nga!"

Ayaw mo ah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Having A Gay HusbandWhere stories live. Discover now