Kabanata 3

112 26 3
                                    

Susulyapin ka

•••

Hindi ko alam pero mas sabik ako sa tuwing sumasapit ang araw ng sabado. Sinigurado ko na palaging isang oras ako maagang dumadating sa school upang masilayan si crush at kapag nangyayari iyon ay nadadatnan ko siya sa paborito niyang puwesto sa library. At ako, palagi na lang may pinapaphotocopy na module kahit na hindi ko pa naman ito tinatalakay sa klase.

Dahil alas dose na...lunch break ng mga prof ay sinubukan kong silipin si anna sa loob ng library ngunit nalibot na yata ng aking paningin ang bawat sulok ng maliit na kuwarto pero wala akong nakitang cute na dalaga sa loob.

"Luhh nasaan na kaya siya?" mahinang saad ko sa aking sarili.

Isinara ko ang pinto at malamyang naglakad patungo sa faculty.

Sayang effort letse! Maaga pa ako pumasok ni hindi nga ako nag lunch sa office! Peste talaga! Nakakainis! Hindi nakikisama si God sa trip ko sa buhay!

"Oh sir, ang aga mo yata ngayon, ha?" bungad ni ingrid sa akin pagkapasok ko sa faculty.

Medyo nanlaki pa nga 'yong mata ko no'ng makita ko si anna na nakaupo sa tabi ni ingrid, kumakain.

"Oh...nandito ka pala anna?" sambit ko.

"Ahh, hello sir! Oo, kasabay ko si ingrid mananghalian." aniya.

"Ahh..." nginitian ko na lamang siya at aking tinungo ang desk ko na katapatan lang ng puwesto nila.

Naknampotsa makikita ko siyang kumakain!

"Kumain ka na sir?" tanong ni ingrid sa akin.

"Ahh, hindi pa nga, eh."

Sana alukin ako ni anna dahil kapag inalok niya ako bibili ako agad sa malapit na karinderya! Kahit ano pa ulam basta magkasabay lang kami kumain!

"Kumain ka na. Mahirap kapag gutom ka tapos nagtuturo ka...baka walang matutunan ang mga estudyante mo." sabi ni ingrid sa akin.

"Bakit wala naman silang matututunan kung gutom ako?"

"Kasi kapag walang laman ang tiyan, wala rin laman ang utak. Gano'n raw 'yon."

"May punto ka ro'n, ma'am, kaso lang wala akong baon. Walang nagluluto para sa akin, mag-isa lang ako sa buhay."

"Nakakalungkot naman 'yang kuwento mo sir, nakikiramay ako." aniya na walang bakas ng emosyon.

Sa nakalipas na ilang sabado ko sa school na ito ay medyo nakakabiruan ko na si ingrid, pero sa mga asaran namin mabilis siyang mapikon at mainis lalo na kapag kuwentong pag-ibig niya ang tinatanong ko.

"E, ikaw ma'am? Mag-isa ka lang ba sa buhay?" tanong ko sa kaniya.

"Ano ngayon kung mag-isa lang ako sa buhay, ah? Mamamatay rin naman lahat ng tao may kasama man o wala." tugon niya na halatang guilty.

"Ang nega naman mag-isip, ma'am! Masaya kaya magmahal!"

Lalong mas masaya kung 'yong mahal mo ay mahal ka rin. Sana talaga may gusto rin si anna sa akin dahil kung wala, ano pang silbi ko sa planetang ito? Maging sawi palagi?

"Sa umpisa lang 'yon sir, kapag alam mo na ang ibigsabihin ng pagmamahal...matatakot ka na lang." wika ni ingrid na napaka seryoso habang kumakain.

"Ano, horror lang? Siguro kakabreak mo lang sa syota mo ma'am..." pagbibiro ko.

"Ano ngayon? Sana nga pati leeg niya magbreak din."

"Hindi ka pa ba kakain, sir niccolo?" tanong bigla ni anna sa akin sa tonong may pag-aalala.

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now