Kabanata 7

85 23 7
                                    

BSIT-1B sisigaw

•••

Nagmadali akong nagdrive papuntang school para makasigurado na makakahabol man lamang ako sa yell and cheer competition na gaganapin ng alas-siyete ng gabi, kaso seventy-thirty na!

"Good evening, Sir." bati ni kuyang guard sa akin sabay abot ng log in book.

"Ahh, good evening din sa inyo, kuya. Nagsimula na ba 'yong yell and cheer competition?" tanong ko habang mabilis na nagsusulat sa log in book.

"Ahmm mga kani-kanina pa po sir yata?"

"Ahh, gano'n po ba? Sige, salamat po kuya."

Dali-dali rin akong lumapit sa biometrics para mag log-in at patakbong tinungo ang roofdeck na nasa fourth floor lang.

Pagkarating ko sa RD ay madami ng tao. Nakapaikot silang lahat at may malawak na space sa gitna.


Niccolo Rodriguez Nuevo: Saan ka lucas?

Lucas Pagal: School

Niccolo Rodriguez Nuevo: Alam kong nasa school ka! Saan banda dito? kakarating ko lang kasi!

Lucas Pagal: Sa harap malapit sa stage dito sa puwesto ng mga teacher. Sa bandang may electric fan na malaki.

Niccolo Rodriguez Nuevo: gege, nandyan na si anna?

Lucas Pagal: Seen.

Niccolo Rodriguez Nuevo: Hayup ka!


Sinikap kong makipagsiksikan sa mga estudyante upang makadaan at mapuntahan ang puwesto nila lucas. Pagkarating ko sa puwesto nila Lucas ay unang nakita ng aking beautiful eyes ang beautiful girl na pangalan ay Anna. Nakaupo ito sa may bandang harap, tutok sa may electric fan. Bandang likuran kung saan nakaupo ang college president at ibang bisita. Nakafocus lang siya sa kaniyang pinapanood. Iyong hangin mula sa electric fan ay humahawi sa maikling kulot na buhok niya na lalong nakakapag papansin sa kaniya sa akin.

"Hi, Anna." nakangiti kong bati sa kaniya na tinugon naman niya ng isang matamis na ngiti rin kahit hindi ko nalasahan.

Hinawi ko si lucas upang umurong dahil katabi niya si anna. Gusto ko ako katabi niya!

"Wow ha?" sambit ni lucas pero tinignan ko lang siya. Tingin na nagsasabi na 'Nandito crush ko, huwag kang sumapaw! Let me do my thing'.

"Para kang tanga." aniya ng walang boses kundi galaw lang ng labi, pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Musta naman 'yong parada kaninang umaga?" tanong ko kay anna.

"Ayos lang...nagulat pa nga ako kasi ako kinuhang pansamantalang adviser ng klase mo."

Nagchat sa akin no'ng umaga si leo na kukunin niyang kapalit ko sa parada ay si anna para raw mukhang magulang nila kami. Suwerte ko sa mga estudyante ko shet ang supportive!

"Hindi ka naman binigyan ng problema ng mga anak natin---este anak ko?" natatawa kong sambit sa sinadya kong pagkakamali.

"Hahahaha hindi naman, ang babait nga nila."

"Buti naman, ibigsabihin no'n tanggap ka nila kung gano'n hahahaha!"

Tanggap maging pangalawang magulang nila kasama ko. We will lead these children to a good future...together!

"Hahaha I think so rin. You want to see the pictures no'ng parade kanina?"

"Ahh, sige sige!"

Medyo lumapit ako sa kaniya habang pinapakita niya sa akin ang mga pictures nila sa cellphone niya pati na rin ang mga video habang nagpaparada sila kanina. Sayang at wala ako roon, napuno sana 'yong gallery ng cp ko at cp niya ng mukha naming dalawa! Asar!

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now