Kabanata 4

107 28 11
                                    

Tayo at ang pag-ibig

•••

Sabado, maaga na naman ako umalis sa office para syempre makasilay na naman sa library. Pagpasok ko sa loob may i-ilang estudyante ang nakaupo at gumagawa yata ng research paper nila. Si Anna ay nakapuwesto sa librarian's desk. Pumasok ako sa loob at lumapit sa xerox machine para magphotocopy ng lesson na hindi ko pa naman itatalakay sa mga mandirigmang kabataan ko.

Dahil parang isang magnet si anna, hindi ko mapigilan ang aking sarili at iniwan ko na lamang ang xerox machine at tinungo ang table niya.

"Hi,  Anna. How's your day?" bati ko sa kaniya sa isang mapang-akit na boses...medyo garalgal. Sabi kasi sa google naaakit ang mga babae sa mga husky at deep voices na lalaki. Gwapo raw pakinggan.

"Oh, Niccolo, ayos lang naman." nakangiti niyang tugon.

"Nag lunch ka na ba?"

"Oo, napaaga 'yong lunch ko, eh. Gusto mo ng apple?" abot niya sa akin ng isang maliit na platito na may nakapatong na mga slice apples. Kumuha naman ako ng isa.

"Salamat." sambit ko na medyo nahihiya pa nga.

Sana puso niya na lang inalok niya sa akin, aalagaan ko pa ng bukal sa kalooban ko 'yon. Pero mansanas? Baka may nais siyang iparating sa akin dito?

"Alam mo, may ibang meaning kapag binigyan mo ang isang tao ng apple..." sambit ko habang nginunguya ang kinuhang isang slice.

"Oh, Talaga? Is it...an apple a day keeps the doctor away?" sabi niya naka ngisi pa.

"Hindi 'yon noh! Sa hospital lang 'yon effective, eh! Gusto mo na ba ako paalisin?"

"Hahahaha sorry, ano pala?"

Inubos ko muna ang kinakain ko bago ako tumingin sa kaniya ng seryoso. 

"E di, you're the apple of my eye." walang utal-utal kong binigkas pero nahiya rin ako kaya napatakip pa ako sa aking mukha.

Tinawanan niya lang ang sinabi kong iyon.

"Ikaw talaga niccolo mabiro ka!" aniya na parang nagpakaba sa akin.

Ouch! Mukha ba akong nagbibiro palagi? Mukha ba akong isang joke? Grabe!

"Mukha ba akong nagloloko?" sambit ko na may pagturo pa sa aking sarili, "Maganda ka kaya anna! Actually, gusto nga kita e hahahaha!" dugtong ko na wala naman halong biro.

Dineretsa ko na baka sakaling mutual feelings nga ito, e di tapos na ang lahat dito! Hindi na ako mahihirapan pa.

"Hahahaha salamat niccolo." Tugon niya sabay balik ng kaniyang atensyon sa kaniyang ginagawa.

Naknampotsa, salamat? Ano 'yon? Ano gagawin ko do'n? Ako ba'y na salamat lang? Wow! Ako na 'to, ah! Ayaw pa? Grabe standard nito! Hindi madali makuha loob ni anna...hindi siya easy to get!

"Hahahaha joke lang 'yon, ah!" pagbawi ko sa pag-amin kanina dahil sa sagot niyang mapanakit kalooban. "Pero maganda ka talaga...ayon...hindi 'yon joke." Dugtong ko.

"Salamat." nakangiti siyang napasulyap sa akin.

Medyo ang awkward sa pakiramdam no'n, ah? Ano kaya tumatakbo sa isipan niya? Ano kaya tingin niya sa akin talaga? Ayaw niya ba talaga sa akin? Pero ang pagmamahalan nagsisimula naman talaga sa love and hate o minsan friendship! Baka hindi na talaga siya single?

"Single ka pa ba, Anna?" biglaan kong natanong, "Pasensya na ha? na-curious lang kasi ako..."

Nagkibit balikat lamang siya habang nakangiti...iyong pabebe na ngiti...iyong numinipis 'yong labi. Sa tingin ko mas lalo siyang naging cute sa paningin ko no'ng gawin niya iyon. Samahan pa ng bilugin niyang mata. Pero bakit ba ayaw nito sabihin 'yong tungkol sa buhay pag-ibig niya? Paano kung aasa na naman ako sa wala? Masakit 'yon...kasawa na maging sawi sa pag-ibig palagi! Nakakaumay! Palaging talo sa laro ng pag-ibig...kahit na tinataya ko naman na lahat ng mayroon ako...lahat ng kaya kong ibigay! All in ako palagi sa sugal ng pag-ibig pero laging talo ang resulta!

Kapag Ayaw, May Dahilan (Life Series #4)Where stories live. Discover now