XIV. PEDESTAL

206 15 4
                                    

"May lakad na naman kayo?!"

Napaigtad ako bago hilaw na nginitian si Titan. Ilang metro na lang pala ang layo ng lamesa namin sa isa't isa. Last week, nagulat na lang ako na magkalapit na iyong table namin pero hindi na ako nagreklamo kasi malapit na sa pinto.

Napansin pala niya na kanina pa ako patingin-tingin sa wall clock. Malamang nagtataka lang ako kasi mag aalasais na ng gabi di pa rin siya umuuwi. Noon naman, ang aga-aga niyang umuuwi.

"Mag-oovertime ka, Senator?"

"Di mo sinagot ang tanong ko."

Sabay naming ani kaya napatigil ako sa pagbabasa.

"Wala kaming lakad ngayon." sagot ko sa tanong niya. Ang sungit niya naman ata? Siguro wala iyong girlfriend?

"Good."

"Ano nga mag o-overtime ka o hindi?" Pagtayo lang ang isinagot niya at nagligpit ng lamesa.

"Sabi ko nga hindi."

Minsan talaga hindi pasalita itong taong 'to. Pagdating talaga sa kaniya nagiging sobrang understanding akong tao.

"T-teka anong ginagawa mo?" Pinigilan ko ang kamay niya kasi nililigpit niya rin ngayon ang mga cases ko.

Kung gusto niyang umuwi, wag niya akong idamay. May ginagawa pa ako. Asar naman 'to.

"Palagi ka raw late umuuwi at hindi man lang kumakain ng dinner."

Sinundan ng mga mata ko kung paano niya pinagpatong-patong lahat ng mga ginagawa ko at inilagay sa gilid.

"Kumakain ako sa bahay."

"What time? 9 pm? 10 pm?" I examined his face and watch how his foreheads knotted in annoyance. Anong ginawa ko?

"Basta kumakain ako. Minsan sa labas kasama sina Cion at Azid."

"You three are close." I quickly nodded at his conclusion.

"You were so busy with your girl kaya hindi ka nakakasama. Don't worry wala naman silang hinanakit sa'yo." Pagkukwento at paglilinaw ko.

"How about you?"

Medyo kinabahan ako ng slight sa sinabi niya. Wala naman tong naging alam sa feelings ko no? I mean I was really close to falling in love with him but he distanced himself and so do I kaya naagapan.

Ngayon, I think I still like him but not deep enough unlike nong past months. Maganda talaga iyong umpisa pa lang alam mo ng walang pag-asa kasi hindi ganon kahirap lumayo. I just hope he won't confuse me again kasi makakatikim talaga siya sakin.

Pinalampas ko nga lang iyong kagabi kasi alam kong lasing siya. Buti at hindi nagmarka iyong ginawa niya pumula lang ng konti.

"Ako? Wala naman. Basta ba masaya ka." I wink at him.

He remained looking at me kaya medyo naasiwa ako. What's with him today? So seryoso. 

"We'll go out." was all he said.

"Why so sudden?"

Ang unpredictable talaga ng taong 'to.

He didn't answer me but grab my bag instead. Sabi ko nga tatayo na ako. Nakalabas na mg pinto ang magaling na senador kaya anong magagawa ko.

"Alam mo hindi maganda iyang ganiyang ugali Titancio lalo na kapag pulitiko ang kausap mo. Wag ka ring maging ganyan kapag kaharap ang publiko. Hindi naman talaga masama iyang ganiyang ugali but the public might misunderstand, alam mo naman nature ng tao." Pangangaral ko sa kaniya.

Your Highness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon