XXXI. WHAT FOR

238 23 14
                                    

Nakarinig ako ng talamsik ng tubig papalapit sakin. Gusto kong idilat ang mga mata at igalaw ang katawan kaya lang wala na akong sapat na lakas.


Ang mga luha ko naman ay kusang tumutulo dahil sa di maipaliwanag na kirot sa balikat ko. Kung may makakakita man sakin ngayon tiyak na maaawa ito sa itsura ko.


Kalaunan ay may humawak sa leeg at ulunan ko at maingat na inangat . Hindi pa naging madali dahil hinihila ako ng putik pabalik. Kaya marahil hindi na ako natangay ng agos dahil napadpad ako sa paliguan ng kalabaw. Balot na balot ang buong katawan ko ng putik.


Kahit nababalot ng putik ang mukha ko ay ramdam ko pa rin ang buhok niya na tumatama ngayon sa mukha ko. Ang bango. Sino 'to?


"Humihinga pa siya. Salamat naman."


Naramdaman ko ang paghawak niya sa bawat sulok ng katawan ko. Napakislot ako ng aksidente niyang nahawakan ang sugat sa balikat ko.  Napasinghap siya.



"May tama siya ng baril, delikado 'to." I heard the panic in her voice bago niya iniyakap ang isang braso sa ulo ko na nagpayuko sa kaniya ng husto dahilan upang masubsob ang malambot niyang dibdib sa mukha ko.



"Tito! I need you here sa pinuntahan namin ni Tatay, as soon as possible. I want you to help someone in my behalf—what?! No, Tatay strictly told me not to go outside the car pero na-curious ako sa malakas na tunog ng sapa sa ibaba. Then I saw this man—I can't see his face puno ng putik—buong katawan actually—may tama siya sa balikat—oo kaya halika na dito—For now I'll do something. Malapit ng bumalik si Tatay kaya bibilisan ko. Just hurry, Rama. Faster!"



This time, sinikop niya ako sa bewang gamit ang dalawang braso at mabagal na hinila patungo marahil sa gilid.



Mas lalong lumalalim ang paghinga ko dahil sa kumikirot kong sugat. If not for this stranger, matutuluyan na dapat ako kapag nababad pa ng husto.




Pagdating sa gilid ay naging mabilis ang kilos niya at agad na nilinis ang balikat ko na may sugat. I would groan from time to time at habang tumatagal mas gumagaan rin ang kamay niya habang nililinisan ang sugat ko.




"Hindi ako med student, pol sci ako kaya wala akong alam kung paano gamutin itong sugat mo. I'll just clean this up to prevent infection. Malapit na iyong kilala ko na tutulong sayo."



Her hand on my shoulder tensed when we heard gunshots. May kalayuan na ang tunog pero malamang naririnig dito dahil nasa isang kabundukan pa rin naman kami.




"Tatay will arrive at the car any minute from now, I need to go back before he does. shit."



Mabilis niyang pinunit ang hula ko ay dulo ng suot niyang tshirt. Inirolyo niya ito sa balikat kong may sugat at maingat na itinali.



Your Highness Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz