XXXIII. SMILE

230 22 10
                                    

Galing pa akong palasyo noon at sobrang sama ng panahon kaya pagkarating ko sa villa basang-basa ako dahil hindi ako nakapagdala ng payong. Nagka-emergency kasi iyong driver ko kaya pinauwi ko na muna sa kanila. Mga ilang araw na rin.


"Titan—


Nagitla ako ng may biglang nagsalita kaya napatingin agad ako sa gilid. Doon ko nakita ang maputlang si Zyra na basang-basa sa ulan.


Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Mahigit dalawang taon na rin mula ng huli kaming magkita. Ang laki ng ipinayat niya!

"Pakiulet nga iyong sinabi mo?"

Tanong ni Azid sakin isang gabi habang nag-iinuman kami. Ilang linggo matapos kaming magbalikan ni Zyra.

"Bobo ka ba dude? I thought she's the one who shot you?! Tapos binalikan mo pa? Pareho kayo ni Azid. Mga tanga sa pag-ibig!" Si Cion na inisang lagok lang ang alak.

Umismid lang si Azid bago ako balingan ulit ng tingin. "Akala ko wala na bro? Eh iyong anak niyo tinanong mo ba?"


"Hindi ko pa tinatanong kasi may sakit iyong tao. Saka na siguro kapag gumaling na siya."

"Hindi kaya naaawa ka lang sa kaniya?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cion at uminom na lang. Hindi ko alam. Naguguluhan rin ako.


May sakit siya kaya pinagamot ko siya. I stayed with her mula sa operasyon niya hanggang sa tuluyan na siyang gumaling.


I prepared a surprise for her that day dahil sa wakas magaling na siya. Saka ko na rin siya tatanungin tungkol kay Jiji. It feels like this time sasama na talaga siya sakin.


Nainis pa ako dahil may nakabangga sakin at muntik ko ng mabitawan ang dala kong bulaklak.


"Ano ba? Bulag ka ba?" Hindi ko mapigilan ang inis sa aking boses.


"Ay wow! Kasalanan ko pa talaga? Eh sino ba iyong may dalang sobrang laki na bulaklak kaya di na niya makita ang daan? Ospital 'to hindi sementeryo."


The audacity? Mukha bang bulaklak pang patay itong dala ko? Pilit kong hinawakan ng isang kamay lang ang dala kong bouquet para masilip siya pero nakatalikod na ito at may kausap sa phone.

"Yes, tay. Tapos na akong magbanyo. Oo. Hintayin niyo 'ko. Si Jisius?"


Nang mapansin na nakatulala lang ako sa papalayong bulto ng babae ay napatikhim ako at umalis na.


Pero nabitawan ko ang dala kong bulaklak matapos madatnan ang kwarto na walang laman. Walang Zyra at wala na rin iyong bag na palaging dala niya.


Siguro nauna na siya sa Villa? Agad akong umuwi pero wala mi isang tao akong nadatnan sa loob.


"Tangina!" Sinipa ko ang upuan at binato ang dalang bulaklak.

Hinanap ko na lang mag-isa ang anak ko at nalaman na wala siya sa bundok kasama nila. Asan si Jiji?

Ilang beses pa akong binalikan ni Zyra tapos aalis ulet. Tinatanggap ko pa rin siya kasi oo na ako na ang tanga. Iniisip ko rin na baka mapagod siya at hindi na talaga umalis.

Your Highness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon