Chapter 4

2.5K 167 32
                                    

Normal

Tahimik na nakasunod lang ako sa tatlong taong nasa harapan ko at naglalakad. Gusto ko na sanang umalis at bumalik sa pagta-trabaho dahil sa rami ng mga bagay na nalaman ko ngayon araw kaso ang sabi ni Mrs. Celino ay may isa pang sasabihin ang magkapatid sa akin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We want to give you an offer, Miss Guinto." Napabaling ako kay Sir Theo nang magsalita siya matapos naming marating ang lugar kung saan naka-park ang kani-kaniyang sasakyan nila ni Doktora Tatiana.

"What offer, Sir?" nagtatakang tanong ko.

Nasa gilid ko sa Mrs. Celino at nararamdaman ko ang pagkakalapat ng kamay niya sa likuran ko, tila pinaaalam ang presensya niya sa akin. Nginitian ko ang ginang bago muling binalingan si Sir Theo na bagaman seryoso ang ekspresyon ng mukha ay kababakasan ng pag-aalala na alam kong para sa kapatid niya.

"We want to hire you as Tad's private nurse," pagtatapos ni Doktora.

Bahagyang umawang ang labi ko sa gulat na hindi ko nagawang itago pa. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko mula sa kanila. Private nurse? Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na maging private nurse ni Tadeo. Ako man ang naka-assign na nurse para sa kaniya, parte pa rin ng trabaho ko ang mag-alaga ng ibang pasyente bukod sa kaniya.

Nakamaang ko silang pinagmasdan dalawa na namamag-asang nakatingin sa akin. Hindi ako agad nakahuma ng saot para sa katanungan na 'yon. Ngunit isang bagay lang ang paulit-ulit na umiikot sa utak ko habang pinoproseso ang mga bagay na gusto nilang mangyari. Bakit ako?

Muli ay naalala ko ang napagkuwentuhan namin ni Shane. It can be any nurse, anyone of us. Nagkataon lang na ako ang libre ng mga panahon na 'yon kaya ako ang naa-assign nang gabing 'yon. Pero hindi ko naman naisip na aabot pa sa punto na aalukin ako na mahing private nurse. Ganito rinnba ang nangyari sa mga nurse bago ako?

"Our whole family badly wanted Tad to live a normal life, again. We want him out of this place that has been his home for five years now," kababakasan ng lungkot na wika ni Sir Theo habang ang paningin ay nakapako sa pinakataas ng gusali kung saan marahil naroon ang kapatid. "We don't want him to be here in the first place, anyway. But he insited on burrying himself in this institution despite our disapproval. There was no need for Tad to be here simple because my brother is no crazy. But damn, we just woke up one day with a call from the former director, who happened to be a friend of mine, that my brother was here admitting himself in this psychiatric hospital."

Wala sa sariling sinundan ko rin ng tingin ang tuktok ng gusali at doon hinanap ang sagot sa kaninag tanong nila sa akin. I feel pity for Tadeo upon hearing his story. Hindi niya kasalanan na nauwi siya sa pagkakaroon ng ganitong klaseng kundisyon na nagpapahirap na sa kaniya sa loob ng maraming taon.

He can still have a normal life, that's for sure. There's still a life waiting for him outside of this place. Pero siya na mismo ang nagkulong sa sarili niya rito sa takot marahil na baka masaktan niya ang mga taong nakapaligid sa kaniya. I can't fully understand his situation for it's a very complicated one. Not even the little knowledge and information I have about him can enlighten my understanding about what he is going through.

Pero naiintindihan ko ang pamilya niya sa kagustuhan nilang maging normal muli ang buhay ng kaanak nila. A normal life. Yet it was made possible because of the disorder that Tadeo has.

"There will be an increase in your salary if you'll agree. You just need to be with him and assist him whenever he needs assistance, especially when his left hand is acting up," paliwanag ni Miss Tatiana. "And you need to be with him 24 hours."

Mabilis na bumaba ang paningin ko mula sa gusali na tinitingnan ko kanina patungo kay Doktora. Gulat ang nangingibabaw sa halo-halong nararamdaman ko sa narinig na sinasabayan ng biglaang pagbliis ng tibok ng puso ko sa isang estrangherong dahilan.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Where stories live. Discover now