Chapter 5

2.6K 172 82
                                    

Familiarity

"It's late, Tin. Bakit gising ka pa?"

Mabilis na pagsulyap lang ang ginawa ko para makita ang nagsalita na si Kuya Cael bago muling itinuon ang atensyon ko sa harap ng laptop at mga nakakalat na papel sa center table ng salas namin. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin hanggang sa makaupo siya sa sofa na kinasasandalan ko.

"How's job hunting, brother?" I asked, not answering his question earlier.

"Job hunting is job hunting, Tin," pagod na sabi niya. "Mahirap makakuha ng trabaho ngayon lalo na at hindi naman ako nakapagtapos. Pero halos araw-araw naman akong dumadaan sa simbahan, baka sakaling mapakinggan at mapagbigyan."

"Makakahanap ka rin. O gusto mong ipagpatuloy na lang ang pag-aaral mo? Puwede naman. May trabaho naman ako, ako naman ang magpapa-aral sa'yo," nakangiting suhestiyon ko.

Dumaan ang kasabikan sa mga mata niya na agaran din niyang naitago sa pamamagitan nang pag-iling. Ngumit siya sa akin matapos ay nag-iwas ng tingin. "Hindi na siguro. Magta-trabaho na lang ako para makatulong sa mga gastusin natin."

"Kuya naman," malungkot na sabi ko. "Nakaya mo nga noong ako pa ang nasa kolehiyo hanggang sa mag-review center ako sinagot mo. Kinaya mo at iginapang mo. Ano ba namang kayanin ko rin para sa'yo." Nag-iwas siya ng tingin sa akin at pabuntong hininga na tinanaw ang maaabot ng paningin niya. "Puwede mong ituloy ang naunang kurso mo sa AB Communication. O kaya ay kumuha ng panibago. Kung ano ang gusto mo, Kuya."

Hindi niya ako tiningnan maski sandali lamang. Nanatili siyang nakaiwas ang tingin sa akin habang maya't maya ang pagbuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa isip niya. Kung sang-ayon ba siya sa mga sinasabi ko o hindi. Pero nararamdaman ko ang kagustuhan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral at makapagtapos.

Siguro ay naroon lang sa kaniya ang pakiramdam bilang panganay na anak na magpaubaya at magsakripisyo para sa pamilya. Na naroon sa kaniya ang kagustuhan na makatulong sa sariling paraan kahit na ang kapalit ay sariling interes at kasiyahan.

"Pag-isipan mo muna, Kuya. Hindi mo kailangan na makaramdam ng hiya o kung ano pa man na pumipigil sa'yo."

Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Hindi ko na siya pinilit pa at muling tumuon na lang ang atensyon sa mga nagkalat na kagamitan sa harapan. Muli kong inilagay ang earphones sa tainga ko at pinakinggan ang narration sa video na pinanonood ko.

Nalunod ako sa panonood at kinain ang buong atensyon ko ng mga impormasyong napakikinggan mula sa video. Kahit na ilang beses ko na 'yong napanood ay tila palagi pa ring bago sa pandinig ko ang mga naririnig.

Nawala lang ang atensyon ko sa video nang maramdaman ko ang pagkilos ni Kuya Cael sa likod ko. Tumingala ako para magawa ko siyang makita. I saw him leaning forward as if trying to watch the video over my shoulders. Minsan ring nawawala ang atensyon niya roon at nalilipat sa mga papel sa harapan ko at sinisikap na mabasa ang mga nakasulat doon.

Curiosity is evidently showing in his eyes while watching the video. Doon sa parte kung saan kuha sa isang cafeteria ang video habang may lalaking naglalakad at bigla na lang tinabig ang inumin na nakapatong sa nadaanang lamesa. Balewalang umalis ang lalaki na hindi man lang nililingon ang lamesa ng mga kababaihang ngayon ay nahkakagulo para tuyuin ang tubig na tumapon dahil sa ginawang pagtabig ng lalaki.

"Woah," gulat ang boses na lubas 'yon sa bibig ni Kuya.

Ibibigay ko sa kaniya ang isang earphone na mabilis naman niyang inilagay sa kaniyang tainga. Nagpadausdos siya ng upo pababa hanggang sa magkatabi kami ng hindi man lang inialis ang paningin sa palabas.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ